Lesson 29 (Last Chapter)

Mulai dari awal
                                    

Ms. Tutor, huh. Bakit ba hindi ko nahulaan sa boses niya na si Roj yung kumakanta?! Wow, nasa banda na rin siya ngayon?

At kung makapagsalita siya ngayon parang walang nangyari kahapon. Haay, siguro nga, ayaw na niya. Siguro nga, sumuko na siya. Iniisip ko palang 'yun, gusto ko ng umiyak.

Bakit kasi ngayon ko lang narealize na mahal ko siya? Bakit ngayon lang kung kailang pagod na siya? Lahat ng effort niya, sinayang ko. Lahat 'yun, binalewala ko. Gusto kong umiyak, pero hindi dito.

Tumayo ako at pupunta sana ako sa labas nung bigla kong naisip...bakit ba hindi naman ako ang mag-effort para sa kanya? Pwede namang ako naman 'di ba?

  

Kaya lumakad ako pabalik. Palapit sa harapan. Kinakabahan ako pero minsan ko lang naman 'to gagawin eh. Minsan lang ako mag-effort pag si Roj ang pinag-uusapan. Maliit na bagay lang 'to kumpara sa lahat ng nagawa niya sa akin.

Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa unahan, kung nasaan 'yung banda at alam kong nakatingin sa akin ang lahat. Maglakad ba naman ako nang mabagal papunta sa harapan eh. Masyadong agaw-pansin. Pero wala akong pakialam sa kanila. Si Roj ang pinunta ko dito.

Maging siya ay nagulat sa ginawa ko dahil nasa harapan na niya ako ngayon.

Ano Venice? Tatayo ka na lang ba dyan at tititigan siya?

Itinaas ko yung kamay ko. Gusto ko siyang isayaw. Gusto kong makasama 'yung taong mahal ko ngayon.

"May I?" Nakita ko sa mga mata niya na nagulat siya sa ginawa ko. Sino ba namang hindi magugulat kung babae ang nagyaya na magsayaw? Pero mas ikinigulat ko nung kinuha niya 'yung kamay ko. At mas nagulat pa ako nung maghiyawan 'yung mga sumasayaw, pati 'yung teachers namin.

Tumingin ako kay Roj na nakangiti sa akin. Meron pala siyang lapel. Tinanggal niya 'yung maskara niya, pati yung maskara ko. Dinala niya ako sa pinakagitna at pagtingin ko, gumilid lahat ng sumasayaw. In short, kami ang center of attention ngayon.

Tahimik lahat. Paghinga lang ni Roj ang naririnig galing sa lapel niya. Walang tumutugtog sa banda. Pero bigla akong hinawakan ni Roj sa may bewang, at kasabay nun ay tumugtog ang banda at kumanta si Roj.

"Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid

To fall

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow"

Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang kumakanta at isinasayaw ako.

Ang alam ko lang ngayon ay ngumiti. Pero hindi ko napapansin na umiiyak na naman pala ako. Kaya agad na iniangat niya 'yung kamay niya at pinunasan ang luha ko. Pagkatapos nun ay yumakap na ako sa kanya, habang siya ay sinasayaw pa rin ako.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang