Lesson 22

108K 2.6K 115
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay umuwi agad ako. Ayoko na dito sa school. Ayoko nang makita 'yung mga tao dito. Ang dami ko lang naaalala.

Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto at humiga. Hindi muna ako nagbihis at nakatulala lang sa kisame. Ngayon lang nagsisink-in lahat ng nangyari sa akin sa buong school year. Gusto kong umiyak pero parang naiyak ko na lahat kanina. Wala na ba talaga akong matinong gagawin bukod sa pag-iyak?

Ano ba talagang nangyayari sa akin? Bakit ganito?

Ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam ko ngayon. Kahit ilang beses ata akong umiyak, wala pa ring mangayayri. Masakit pa rin.

"Ven, pahiram nga ako ng—"

Napatingin ako sa pintuan at nakatayo doon si Ate. Nakatingin lang sa akin at alam kong magtatanong na naman 'yan kung bakit ganito ang itsura ko—mugto ang mata, gulu-gulo ang buhok at wala sa sarili. Tumalikod ako pero naramdaman kong papalapit siya sa akin.

"Venice." Naramdaman kong umupo siya sa kama ko at hinawakan 'yung balikat ko. Sa gesture na yun, parang lahat ng pinipilan kong luha ay nagpupumilit na lumabas.

At di nga ako nagkamali, umiyak na naman ako.

"Ate!" Napatayo ako at napayakap sa kanya. Hindi ko na talaga kaya 'tong sakit. "Ate, b-bakit ganun? Ang...ang sama-sama ko ba? A-ate..."

  

Niyakap ko siya nang sobrang higpit to the point na sobrang basa na ng damit niya kakaiyak ko. Siguro ito na ang pinakamatindi kong iyak ngayong high school.

"Shh. Sige andito lang si Ate. Iiyak mo lang lahat. 'Di kita iiwan."

Di kita iiwan. 

Those words.

Pagkarinig na pagkarinig ko nun, mas umiyak ako. Sana nga wala ng mang-iwan sa akin. Lahat kasi sila, iniwan na ako. Lahat sila, umalis na sa tabi ko. Sino na lang ang magiging kakampi ko?

"Ate mag-isa na lang ako. L-lahat sila iniwan ako. M-may mali ba sa akin? Pano na lang ako, Ate? Anong gagawin ko?" Naramdaman ko ang kamay niya sa buhok at likod ko. Pakiramdam ko ngayon ay may kakampi ako. May kasama ako.

  

"Venice alam mo, 'di ka naman talaga nag-iisa eh. Malay mo nandyan pa rin sila. Malay mo hinihintay ka lang talaga nila. Hindi naman basta-basta binabalewala ang pagkakaibigan. Hindi 'yan basta-basta nasisira. At isa pa, nandito kami. Nandito kaming pamilya mo. Pwede ka namang mag-open up sa amin eh. Pwede mo kaming iyakan. Para naman kahit papano ay mabawasan 'yung sakit."

Alam ko 'yun. Kaya nga sobrang thankful ako kay God at sila ang pamilya ko. Pero hindi ko pa rin mapigilang isipin lahat-lahat. Lahat ng masasakit na nangyari sa akin.

"Pero alam mo, mas mabuting iiyak mo na lahat. Iiyak mo na lahat ng sakit ngayon. Ilabas mo lahat ng lungkot, galit at sakit. Minsan kasi, 'yun na lang talaga ang paraan para mas gumaan ang pakiramdam natin. Iiyak mo lang lahat. I'll be your handkerchief for today," saka niya ulit ako niyakap.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now