Journey 2

14 2 0
                                    

"♪Saphire,Saphire Scream and pain
blood spilling from your brain
Zombie zombie like a plum na na
na♪♪"

Muka akong ewan paulit ulit lang
ako sa kinakanta ko pero hanggang
ngayon wala parin syang reply sa
message kong good morning
kanina...saklap.

Napayakap ako sa sarili ko ng
maramdaman ang lamig ng umihip
ang hangin. Luh di ko pa pala
nasara bintana ko!

Tumayo ako at lumapit sa bintana
upang isara ito.

Napapitlag ako at napahawak sa
dibdib ko sa sobrang gulat nang may
gumalaw sa kurtina.

Kainis butiki lang pala! Agad agad
kong sinara ang bintana ko at
bumalik na ulit sa kama ko. 12:00
am na pala haayy bukas ko na lang a
antayin. Inayos ko na ang kumot at
unan ko napahikab na ako
ngunit...pakiramdam ko nawala ang
antok ko ng may malakas na
kumalabog sa pinto at sa tinde ng
takot ko napahawak na lang ako ng
sobrang higpit sa kumot.

Bakit naman may kakalabog
dun...hindi naman magnanakaw yun
kasi ano namang mananakaw samin?
Upuan naming gawa sa kawayan? o
yung tirang tuyo na ulam namin
kanina?! Napatawa ako sa biglang
naisip ko. Magnanakaw ng tuyo?
haha! Nang mawala na ang kalabog
ay inabot ko na ang cellphone kong
tumurit na pala sa sahig sa sobrang
taranta ko kanina.

Pinulot ko ang cellphone ko,buti
naman hindi nahiwalay ang battery.
Pag ka open ko pa lang sa screen ng
Cellphone ko...napatutop ako sa
aking bibig at mukang ewan na
dahan dahang tumalon dahil di pa
ko masyadong nakaka galaw.
Waaahh
nag message sya!

-Daph Renzler Srle
hey...I'm watching you right now.
Hindi ko alam pero kinain na naman
ako ng kaba. A-ano daw? HE'S
WATCHING ME RIGHT NOW?!
Nanginginig ang daliri ko habang
nag ta-type ng reply sa kanya.

-Sitti Zea Delizo
What do you mean? [Nakakaintindi
kaya sya ng tagalog...sana naman oo
kasi diko malaman san nako pupulot
ng English na salita buti nalang may
kantang what do you mean haha!]
At ako na talaga ang baliw sobrang
kaba na nga ang nararamdaman ko
pero nakakapag isip pako ng
nakakatawang bagay.

-Daph Ranzler Srle
I'm just kidding haha!
[Loko din to ah..haay nakahinga
naman ako ng maluwag dun]

-Sitti Zea Delizo
Ahm.. Can you speak Filipino
language?[Sana naman oo!]

-Daph Renzler Srle
Yeah...kaya ko
[Waah! marunong naman pala sya
buti naman!]
At habang lumalakad ang oras
nagiging close ko na rin sya sa
wakas! Ang dami naming napag
usapan kaya hindi ko na din
namalayan na nakatulog ako habang
nakaupo...

***
Nagtataka ako habang pabalik-balik
ang tingin ko sa Cellphone ko at sa
higaan ko.
Minumulto na naman ba ako?!
teka... wala naman ako sa hospital
ah!
Pano naman kasi ang pagkaka-alam
ko nakatulogan ko na si Daph
habang ka chat ko sya at tandang-
tanda ko nakaupo ako nun. Pero
bakit pagka-gising ko ang ayos ng
higa ko tapos may unan pa sa gilid
ko na syang akap-akap ko! at ang
pinagtataka kopa, yung cellphone ko!
Nakatulogan ko nga ang pag chat
pero naka log-out na yung Account
ko tapos naka off na rin yung data
connection ko?!
Waaahhh! Sana naman hindi to
paranormal activities!
Halos mabitawan ko na yung
Cellphone ko at naiiyak na talaga
ako! bat may ganto dito.

May kuhang Picture ako habang
tulog kagabi!

Oh God!

***

"Sinasabing 12:00 am binawian ng
buhay ang most wanted killer sa
buong mundo kilala bilang 'DR' di
umano'y nabaril ito tagos sa puso
noong martes matapos ang ekwentro
sa mafia lord
...Ito po si Megan Real
nagbabalita..."

My Journey to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon