Journey 1

24 2 1
                                    

Journey1:

Tagaktak na ang pawis ko at halos nauubusan nako ng hininga kakatakbo,pakiramdam ko'y mapipigtal pa ang suot kong tig si-singkwentang tsinelas na nabili ko lang sa tsanggian.

Bakit ba nila ako hinahabol?! Hindi naman sana ako anak ng mga hari at reyna at wala naman silang mapapala sa akin wala naman kaming yaman. Sa totoo nga lang, isang simpleng pamilya lang ang meron ako. Kubo ang bahay, ang papa ko nag bu-bukid lang si mama naman naghahabi ng tela. Naiiyak nako!

Para akong nasa Action movie na hinahabol ng hindi mo malamang nilalang,balot na balot ang kanilang katawan ng puro itim na tela Alien ba tong mga 'to? tapos hinahabol ako para gawing MOMMY nila? huhu wag naman sana... hindi ko na talaga kaya...

  Napasubsub nako sa lupa at wala na kong lakas para makatayo pa. Napapikit nalang ako ng mariin. Malamang bukas...may nagkakape na sa amin,may kumakain ng cornik at mga nagbabaraha kasi pinaglalamayan na nila ako. Ang pinagdadarasal ko nalang buo pa ang katawan habang pinaglalamayan ako nila!

   Ramdam kong may marahas na humablot sa akin. Wala na'kong maaninag umiikot ang paningin ko na tila nakasakay ako sa ferryswheel hanggang sa  mag itim na lahat at wala na akong ma alala.

"Luh! yun lang?Bitin naman kwento mo eh,wala kana ba talagang ma alala?" inis akong tumingin sa kanilang sarap na sarap kumain ng popcorn habang nakikinig sa kwento ko,wow ha andito ako nakalatay sa hospital. Pinakwento pa nila sa akin kung anong nangyari sa akin nung isang araw.

  "Baka naman nawawalang anak ka ng pinaka mayaman sa buong mundo Zea!" bulalas ni Sena isa sa mga kaibigan ko.

   "Imposible yun!Grabe kayo mag-isip." Ginalaw-galaw ko ang leeg ko Ouch! nangangawit nako sa posisyon ko!

   "Baka naman bibiktimahin lang si Zea dudukutin tapos gagawing prostitute hahah!" at bumunghalit pa ng tawa si Aubrey at sinabayan pa nila Sena, Cindy at Ally.

"Ewan ko sa inyo...yung totoo binibisita nyo ba talaga ako? o pina pa stress lang?"

   "Alis na kayo mga bwisitors nang makapag-pahinga na ko!" masungit na litanya ko sa kanila at pumikit na. Rinig ko namang bumukas sara ang pinto at nakaalis na nga sila.

     Hindi rin naman ako makatulog kaya inabot ko ang cellphone kong bagamat luma na eh ayos pa naman at kahit hirap ay nakapag facebook ako. Yun nga lang at free data. Nag Search ako ng mga kung ano-anong pangalan...pero nakuha ng atensyon ko ang isang name duon...

    "Daph Ranzler Srle"

Since naka free data lang ako profile pic nya  nakikita kong picture...

  Wow! sobrang gwapo nya as-in! para syang model speechless ako. Sa di ko malaman na dahilan bigla ko nalang napindot yung add friend. Imposible namang i-accept nya ko dami nya ng friend at tsaka baka poser lang to at hollywood artist pala to hahaha!

  Mag log-out na sana ko ngunit tinignan ko muna yung notification ko. Halos manlaki ang mata ko at napaupo pako mula sa pagkakahiga!

"Waah Inaccept nya--Ouch!" Napahawak ako sa leeg ko nakalimutan ko dipa pala ako magaling.

Kung nakakatalon lang ako ngayon tatalon nako at mag tititili! grabe naka tanggap ako ng message mula sa kanya!

Hingang malalim...kalma kalang Zea.

   -Daph Ranzler Srle
Hi
[Nag hi sya! nag hi sya my God! waaahhh]

-Sitti Zea Delizo
hello :)

-Daph Ranzler Srle
How are you?
[Kinamusta nya ko! My gosh!)

-Sitti Zea Delizo
I'm fine :)
seen 12:35pm

Ayy Seen nya nalang tapos nag out na sya...pero grabe kinikilig ako waahh! Hindi naman talaga ako mahilig makipag chat sa mga diko kakilala pero iba talaga yung feeling ko sa kanya eh...parang haay basta! Crush ko na sya wahhh!
Rinig kong bumukas ang pinto kaya pumikit ako agad at nagkunwaring tulog baka si mama yan magalit pa sakin pag nalamang gising pako...

  Wala nakong marinig ni kahit anong ingay mayamaya pa...naramdaman kong may humawi sa ilang hibla ng buhok kong tumabon na sa mukha ko at halos kumabog ang pintig ng puso ko ng maramdaman kong may humalik sa noo ko...

  Si mama ba yun?

Pagmulat ko wala ng tao at nakapatay narin ang ilaw kinilabutan ako at mariing pumikit. Aissh hindi ako makatulog! mariin
lang akong nakapikit at takot na
takot talaga akong imulat ang mata
ko. Pano kanina halos kilabutan
nako...pakiramdam ko may
nagmamasid sa akin hanggang
ngayon! Mahigpit akong nakakapit sa
kumot ko pati kamay ko nanlalamig
na sa takot. Maya maya may
maririnig na naman akong yapak ng
sapatos. Kung alam ko lang na
ganito nakaka takot sa hospital di na
ko nagpa hospital.
Nanginginig na ko sa takot ng may
marinig pa kong kasa ng baril!
Tumatakbong yapak ng mga sapatos.
Tumulo ang isang butil ng luha ko
ng may maramdaman na naman ako
humalik sa noo ko at pinunasan pa
ang tumulong luha ko! waaahh...
Sa sobrang takot ko na lang inanod
na rin ako ng antok.

*****

"Patay na?! abay magandang balita
yan ng di na sya maka perwisyo pa!"

"Eh pero tita...sayang ang genes nya
ang gwapo gwapo pa naman!"

"Aba eh kung mamamatay tao
naman!"

Nagising ako sa tinig nila mama at
Jen pinsan ko.

Kinukusot ko pa ang mata nang
mapatingin sila sa akin.

"Oh gising ka na pala nak, kaya mo
naba? Mag-ayos kana at uuwi na
tayo." wika sa akin ni mama at
bumaling ulit ka jen.

"Uyy pinsan musta na pakiramdam?"
masiglang bati sa akin ni Jen,

"Ok na ko...ay ma...pumasok kaba
dito kanina mga bandang 12:00 am?"
tanong ko kay mama habang
inihahanda ang agahan ko.

"Hindi nak alas singko ng maga nako
pumasok dito nakatulog ako sa labas
sa waiting area dun."

Pakiramdam ko minamaso ang dibdib
ko sa sobrang kaba. Ayaw ko na
talaga sa hospital!

"Ma...pano po yung pambayad natin
sa hospital?" nakangiting nilingon
ako ni mama at inabot sa akin ang
agahan ko.

"Anak sa awa naman ng Dyos may
sumagot sa bill ng hospital natin!"
Gulat akong napatingin kay mama at
napatigil ako sa pag subo ng kanin.
"Sino naman sasagot nun ma?"
tanong ko kay mama at tsaka isinubo
ang kaning may ulam na cornbeef.
"Aba'y wag nang matanong nak
magpasalamat na lang tayo at may
tumulong." Iniligpit na ni mama ang
mga gamit.
Ngayon na pala ako lalabas sa
katakot takot na hospital nato buti
naman haay.
Nang may maalala ako ay agad kong
kinuha ang cellphone ko at nag open
ng facebook.

Waaaahh! kung wala si mama dito
malamang tumili nakong malakas!
Si Daph Ranzler Srle!
Omy gosh!

-Daph Ranzler Srle
good morning eat your breakfast.
[Kung gano ako nanginig sa takot
kagabi, ngayon naman sasabog na
puso ko sa sobrang tuwa!]

-Sitt Zea Delizo
goodmorning! [luh...wala akong
masabi ano bato, ]

Hindi naman sya nag reply kaya nag
out nako grabe a antayin ko nalang
mag open sya mamaya bwahaha
kailangan maging close kami ni
Crush! hihihi.

My Journey to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon