"Hindi nga ito panaginip. Ilang beses ko ba dapat ipaliwanag sayo? Tapos mo na ba bugbugin ang sarili mo iha?" tanong sa akin ng diwata.

"Opo?" Haha, natawa ako sa sagot ko. Sagot ba yun o nagtatanong din ako.

And after 5 minutes kong mahimasmasan, unti-unti na rin akong naliwanagan sa mga nangyari.

Ang tinulungan at kausap ko ngayon at walang iba kung hindi isa lang namang Diwata! Hala diwata! Akalain mong totoo pala 'yon. Sa mga libro at komiks ko lang kasi yun nababasa. Akalain mong may makaka-usap akong isang tulad niya. 

"So ibig mo pong sabihin ako po ang napili nyong tagapangalaga nitong mahiwagang pen?"

"Gano'n na nga iha!" nakangiti nitong sagot.

"Pero bakit po ako pa? Sa dinami-rami ng tao dito?" tanong ko pa.

"Simple lang. Dahil ikaw lang ang kaisa-isang tumulong sakin. Salamat muli iha. Napakabuti mong bata!"

"Walang anuman po. Masaya po akong nakakatulong ako. Kahit sino naman po gagawin yung ginawa ko." wika ko.

"D'yan ka nagkakamali iha, ikaw lang ang tumulong sakin. Maraming beses na akong nagbalat-kayo bilang isang matanda na nahimatay. Ngunit walang nagkamaling tumulong sakin maliban sayo. "

"Ah ganun po ba diwata?"

"Oo, Tama ka sayong narinig." saad ni Ophelia Snow sa'kin.

"WOW!" naibulalas ko na lang. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala.

Ilang minuto ring nanaig sa amin ang nakabibinging katahimikan.

At pinagmasdan ko lang ang diwata. Ang ganda nya. Mapungay ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, maputi, parang may tattoo na nakaguhit sa kaliwang kamay nya na simbolo ng pagiging diwata nya at kakaiba ang suot nyang damit, parang yari sa seda. Kulay berde ito. Ang strips sa palda ng waring dress outfit nya ay hindi pantay-pantay ang haba. May maiiksi at may mahahaba na lalong bumagay sa maamo nyang mukha.

"Oh ano, naniniwala ka na ba sa'king mga tinuran Ikumi?" tanong sakin ng diwata.

"Ay butiki! Ms Ophelia Snow naman. Wag naman po kayong manggulat." sabi ko rito.

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Where stories live. Discover now