Chapter 1

9 0 0
                                    

Chapter 1

#EmbracingSwitchPeaches

Warm and full of life.

Nararamdaman ko na ang pagtibok ng puso ko. Ang lamig ng hangin sa paligid kahit na nakapikit ako. Binuksan ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw sa tapat ng hospital bed ko.

Ugh! Nakakasilaw.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at pinagmasdan ang paligid ng kwarto ng ospital. Hmmm, wala naming pinagbago. Kung anong nakikita ko noong kaluluwa pa ako, nakikita ko pa rin hanggang ngayon.

Teka, Oh my gosh!

Hinawakan ko ang aking mukha at tinapik tapik ko pa ang aking mga pisnge. Totoo ba? Kinurap kurap ko pa ang aking mga mata ng ilang beses. Hindi pa ako nakuntento at kinurot ko pa ang aking sarili.

"Aray!" pagsigaw ko dahil sa sakit ng kurot na ginawa ko sa aking sarili.

Nanlaki ang aking mata at lahat ng saya ay umakyat sa aking katawan. Hindi nakakaramdam ng sakit ang mga kaluluwa. Ibig sabihin nito

"BUHAY NA AKO!"

Napalingon sa akin ang mga pasyente sa katabi kong kama. Ang ilan sa mga kamag-anak nila, sumimangot pa sa akin dahil sa ingay na nagawa ko.

Well, bahala sila. Basta Masaya ako dahil may katawan na ako ulit. Yes! Finally! Bumaba ako sa aking kama at nagsasayaw kahit na marami pang nakasabit sa kamay ko.

Damn! I'm so happy right now.

Muli pa akong nagsasayaw at pinikit pa ang aking mata kahit na walang music. Iniisip siguro ng iba na nababaliw na ako sa ginagawa ko pero---

"Nurse, mental hospital ba itong pinagdalhan ko sa asawa ko? Bakit may baliw?!" narinig kong sabi ng isang babae sa gilid ko.

Napadilat ang aking mata dahil sa narinig ko. Baliw? Ako? Sa ganda kong 'to?

Nilingon ko ang babaeng nagsabi nito pero hindi siya ang nakita ko. Isang gwapong nurse na papalapit sa akin. Nakangiti ito habang papunta sa akin. Pasalamat si ate hindi ko siya nakita kung hindi, naku!

Pagkalapit niya ay naamoy ko agad ang pabango niya. My gosh! Hiniwakan niya ang braso ko at dinala ako pabalik sa kama.

"Miss Fei, tama na po 'yan. Baka masobrahan kayo sa pagod."

Nakatitig lang ako sa kanya. Pwede na siya sa definition na Tall, Dark and Handsome. Ang linis niya rin tingnan hindi ko alam kung dahil ba puti ang uniform nila o dahil sa clean cut niya?

My god, Pia! Lumalandi ka na agad kakagising mo lang.

Teka, anong tawag niya sa akin? Miss Fei? Ang swerte naman pala ni Fei, ang gwapo ng nurse niya. Pero gosh Pia, tumigil ka muna sa landi. Sino si Fei?

"Uhm kuya?" nahihiya kong tawag sa kanya.

Humarap naman sa akin si Kuya Nurse pagkatapos iexamine ang dextrose ko. "Yes Ma'am?"

"Anong pangalan ko?"

Binigyan naman ako ng huh look ni Kuya Nurse. Grabe ah. Wag niya ako ijudge. Pumasok ako sa katawan ng isang babaeng hindi ko kilala.

Tiningnan niya ang record niya at muling sumilip sa akin. Nagkamot pa ito ng ulo. "Ma'am, hindi naman po kayo nauntog o ano. Sa record ko ay may heart disease kayo. Bakit kayo nakalimot?"

Embracing SwitchWhere stories live. Discover now