Prologue

6 0 0
                                    


"Nakaka-inip naman." Nasabi ko habang gumagala dito sa ospital. Dalawang taon na ang lumipas pero kahit na anong pilit kong bumalik sa katawan ko, ayaw!

Muli pa akong gumala sa loob ng ospital hanggang sa mapadaan ako sa emergency room. Lalagpasan ko na sana ito pero may kung anong pilit na humihila sa akin papasok. Walang kahirap hirap na nilagpasan ng kaluluwa ko ang mga nakasarang pinto.

Sa loob, nakita ko ang isang babae na pilit na binubuhay ng mga doktor. Napatingin naman ako sa gilid niya kung saan nakatingin ang kaluluwa ng babaeng ito sa katawan niya. Nilapitan ko ito para sabihan na magpakatatag siya at may pag-asa pa siyang mabuhay ngunit nagulat ako sa pagharap niya sa akin.

Kamukhang kamukha ko siya! Teka, sa pagkaka alam ko, nag-iisang anak lang ako. Wala akong kakambal o kapatid. Kahit ba kaluluwa na ako, minamaligno pa rin ako? Napatigil ako sa pagmumuni muni nang magsalita ito.

"Ang hirap lumaban." Umiiyak na sabi nitong babaeng kamukhang kamukha ko. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Mahina ako sa mga comforting words. Nabuhay ako na kinakaya ang sarili kong mga problema.

"Erm, kaya mo 'yan! Tingnan mo oh, nirerevive ka na ng mga doktor. Bumalik ka na sa katawan mo, dali!" sabi ko at tinulak tulak pa ang kaluluwa niya papunta sa katawan niya. Hiniwakan niya naman ang mga kamay ko para patigilin ako.

"Ayoko na talagang mabuhay."

"Ano ka ba? Ako nga kahit anong gusto kong bumalik sa katawa ko, ayaw na akong tanggapin. Grab this opportunity girl!" sabi ko naman sabay ngumuso. Sayang kaya ang chance. Kung pwede lang na ako muna ang pumalit sa kanya eh.

Bumuntong hininga naman siya. "Kung gusto mo, ikaw nalang ang pumasok sa katawan ko." Pumalakpak ang tenga ko sa aking narinig at nanlaki ang mata. "Sigurado ka ba?!"

"Oo naman."ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. "Ayoko na talaga eh. At nakikita ko naman na gusto mo ulit mabuhay. Ngayon nalang tayo ulit nagkita, kaya ibibigay ko na ang gusto mo."

Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya. Ngayon lang naman talaga kami nagkita, diba? Pero bakit sa mga sinasabi niya ay parang matagal niya na akong kilala. "Ano bang sinasabi mo?"

Tinulak niya ako papunta sa katawan niya. "Dali pumasok ka na! Malapit nang sumuko ang katawan ko kaya pumasok ka na."

Lumapit ako papunta sa katawan niya. Hindi ko na tatanggihan 'to. Kung ayaw ako tanggapin ng katawan ko, gagamitin ko nalang ang katawan ng babaeng kamukha ko para mabuhay. Muli akong lumingon sa kaluluwa ng may-ari ng katawan na ito. Marami pa akong itatanong sa kanya.

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil kumaway nalnag siya sa akin at nawala.

Napabuntong hininga ako. Tumuntong ako sa kama at hinaga ang sarili papunta sa katawan ng babaeng ito. This is it! Mabubuhay ka na ulit Pia.

Embracing SwitchWhere stories live. Discover now