Binuksan ko yung bag ko pagka-upo. Kukuhanin ko na sana yung notes ko pero natigilan ako sa nakita ko.

Bakit ang daming chocolate?

Tinignan ko muna yung paligid. Baka kasi may makakita nito at kuyugin nila ko dito.

Inisip ko agad kung nanganganak ba ng chocolate yung Jansport na bag. Kasi wala akong maalala na bumili o nanguha ako-----ahh! Okay...

Si Tita Gema ang naglagay nito. Nakita ko sya kanina na may hawak na isang supot ng chocolate. Binanggit din nya na maganda daw kumain nito habang nagr-review.

Kaya pala ang bigat ng bag ko kanina. Napatingin ako kay Ci-N. Nag-tutupi sya ng papel at ginagawa'ng eroplano.

Light bulb... 💡

Malawak ang ngiti ko habang kumukuha ng chocolate sa bag.

"Ci-N!" Tawag ko sa kanya.

Humarap sya sakin habang hawak-hawak yung papel na eroplano.

Pinakita ko yung chocolate sa kamay ko. Parang aso'ng nag-laway ang luko. Hindi lang sya ang ganun ang reaksyon, pati yung iba napatingin na rin sakin at sa hawak ko.

"Akin yan?" Inosente nya'ng tanung.

"Sayo... Kung sasagutin mo ang tanung ko." Sabi ko pero bigla nalang sya'ng tumalikod.

"Hindi! Alam ko na itatanung mo! Hindi ko sasagutin!" Sigaw nya ng hindi tumitingin sakin.

Ppffftt... Badtrip!

Pero hindi ako susuko. Alam ko weaknesses nyo mga Tsong!

Tinignan ko yung iba. Agad silang umiwas ng tingin kahit gusto'ng gusto na nilang manghingi.

Tss... Kala nyo susuko ako? Hindi uy!

Binuksan ko yung isang chocolate. Dahan-dahan kong kinagat yun at may papikit-pikit pa kong nalalaman na parang nasa isang commercial sa tv.

"Shit... Ang sarap." Parinig ko sa kanila. "...Yung natutunaw sa dila mo agad-agad."

Tinignan ko sila pero patay malisya ang mga luko kahit napapakagat na sa labi yung iba.

"...Yung tamis na hindi nakaka-umay." Parinig ko ulit. "...Masarap kumain ng ganito lalu na kapag nagre-review." Tinignan ko si Yuri na nakatingin sakin.

Kita ko ang pagbaba at taas ng adams apple nya. Pinilit nyang tumingin ulit sa notes nya.

Iwas pa more.

Tumingin naman ako sa side ni Keifer. Pinunasan ko yung part ng labi ko na may chocolate gamit ang hinlalaki ko at sinubo yun. Diretso lang ang tingin ko sa kanya na parang nang-aakit.

"Masarap... Promise." Sabi ko na may mababang boses.

Naghahalong inis at inggit ang nakikita ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin pero pinaglalaruan ng isang kamay niya ang cellphone niya.

Iwas lang...

Tumingin naman ako sa mga ulupong. Meron pang nagpunas ng bibig sa sobrang paglalaway.

Narinig ko yung phone ko kaya kinuha ko agad. May dumating na text message.

From: King Ulupong
Message: 'Stop it! It's not funny!'

Mukang napipikon na siya. Tinignan ko at nagsalubong ang mga mata namin. Ang sama ng tingin at parang anytime sasakmalin ako.

Okay... Sorry naman.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon