CHAPTER 4: Thunder Stealer

Start from the beginning
                                    

Tumingin lang ito sa akin na nagtataka.Bakit ba?Eh dito ang school ko eh.

"Sigurado ka?gusto mo pang maglakad kesa sumabay sakin?" Napakunoot naman ang noo ko.Nakisabay lang naman tlaga ako at bakit naman ako sasama sa pupuntahan nya aber?

"O-oo" Medyo alanganin kung sagot.Tumango lang ito kaya bumaba na din ako.

Pagkalabas ko ay agad naman nitong pinaharurot ang kanyang sasakyan papasok ng University.

Wait.Ibig sabihin dito rin sya nag aaral?Kaya pala tinanung nya ako kung ng ganun.

Ang tanga mo Glaire.Sana sumabay na lang pala ako.

Pumasok na ako pero imbis na hanapin ang section namin ay nagtungo muna ako ng Cafeteria.Dito ko na lang hihintayin si Bestie.

Umorder ako ng isang blueberry cake at isang hot choco.Nakaramdam ako bigla ng gutom.

Nakakaisang subo pa lamang ako ng biglang magvibrate ang cellphone ko.Kinuha ko ito.May isang message.

From:Bestie😇

Where are you?Nasa school na ako.

-END-

Nilinga ko muna ang paligid,baka kasi nandito lang sya at hindi nya lang ako nakikita.Pero wala,hindi ko sya makita.

Agad akong nagreply sa kanya.

To:Bestie😇
..Canteen Bestie!..

--END-

Binalik ko agad ang cellphone ko sa bulsa.Alam ko kasing hindi na rin sya magrereply.

Maya maya pa ang natanaw ko na sya.Buong akala ko ay sya lang mag isa,pero laking gulat ko ng may kasama sya.

Wait.Parang pamilyar sakin ang itsura ng kasama nya.Saglit akong nag isip.At halos manlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang kasama ng kaibigan ko.

God!Hindi ba sya ang lalaking humila noong nakaraan kay Shane?Pero ang pagkakaalam ko ay galit si Bestie sa lalaki na 'to?

"Hey!You're spacing out Bestie!kanina pa ako nag sasalita!" ani Shane na mababahiran ng pagkairita ang boses.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin.

Bakit ba kasi lagi akong wala sa sarili?Ano bang nangyayari sakin?



***

Shane's POV

Kanina pa ako salita ng salita ngunit tila wala sa sarili itong si Glaire.Ano bang meron?

"Hey you're spacing out Bestie!kanina pa ako nag sasalita!"
Naiines kong sabi.Actually kanina pa talaga ako naiines.Bukod sa hindi maganda ang gising ko dahil my period ako ay dumagdag pa 'tong lalaki na kasama ko!

"Grabe!Humihinga pa ba 'yang kaibigan mo?Tss" ani Kaeden habang nakapamulsa.Isa pa 'to eh.

Kung bakit ba kasi kasabay ko pa ang lalaki na 'to!Unti na lang iisipin ko ng sya ang anak ng mama ko at hindi ako.Kaines.

"Shut up" Mataray kong sabi.Umismid lang ito.

Bahagya kong tinapik ang mukha ni Glaire.
God!What's with her?

"Ah..A..ano nga ulet yung sinabe mo,Bestie?" ani Glaire na medyo nauutal pa.Ano ba ang nangyayari sa babaeng 'to?

"Nothing.Wag muna intindihin.Wait alam mo na ba kung saang section ka?"
Umiling lang ito.Okay.Hindi ko na kinakaya 'to.Pati pag sasalita ay hindi na nya magawa!

Imperfectly Perfect Love (T.S Series#1)On viuen les histories. Descobreix ara