Chapter 39 - Boom Chocolatta

27K 534 6
                                    

(POV Kyle)

Past eleven na pero walang kahit anong signs ni Aya. Sabi ko take a day off, di ko sinabi na wag na umuwi dito sa bahay ever. Asan na ba yung babaeng yun?

*Doooor Beeeell*

Si Aya na siguro to. Pero di ba may susi siya? Bakit nagdodoorbell?

Pagbukas ko ng pinto, isang buntis ang tumambad sa akin.

"Belle? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah? Sino kasama mo?"

"Kasama ko si Nanay Felicia sa baba, wag ka mag-alala. Papasukin mo ba ko sa bago niyo bahay o dito na lang tayo sa pinto mag-uusap?" galit na tanong ni Belle sabay pasok sa loob.

Nagtanong pa eh noh? Papasok din naman.

"Bakit ka nandito? Di ba bawal lumabas sa gabi ang buntis? Saka naging buntis ka lang, ang sungit mo na na! Palibahasa wala ka score kay Ross kaya ka ganyan. Tigang ka noh?"

"Hindi mo ba hinahanap si Aya?" changed topic niya na mataray pa sa pusang buntis.

"Hindi pa siya umuuwi," mahina kong sabi sabay turo sa sofa. Kung alam lang ni Belle na nag-aalala na ko kay Aya.

"Nasa bahay siya ngayon, natakot sayo. Winarla mo kasi kaninang umaga. Di niya alam na pumunta ko dito. Kuya, bakit mo naman pinaiyak yung tao, sana hinintay mo magpaliwanag. Feeling mo bidang bida ka kaya magbibitaw ka ng masasakit na salita? Ano to theatre arts? Teleserye sa gabi? May drama at iyakan? Alam mo ba kung bakit niya nagawa na yun?"

"Ginago niya ko Belle. Nagpanggap siyang ibang tao para maging secretary ko. Anak pala siya ng big boss namin. Alam mo ba na masakit sa akin yun?"

"Ang alam ko, ginamit lang niya ang middle name niya instead of her last name. Lahat ng credentials niya totoo. Hindi ka niya niloko kuya. Wag ka nga Pabebe!"

"At ako pa pabebe ngayon?"

"Oo, pabebe ka. San ka makakahanap ng babae na mamahalin ka ng hindi dahil sa yaman mo? Yung tanggap kahit heartbreaker ka? San ka makakahanap ng mapagpakumbaba na babae or magpapanggap na katulong para pagsilbihan ka lang? Hindi nga nagkokotse yun pagpasok, byahe lang every day para di mo malaman na mayaman siya. Imbes na nagpaparty party siya or nagtratrabaho hawak ang mataas na posisyon, mas pinila niya maging isang simpleng secretary mo kasi mahal ka niya."

"Mahal?"

"Ay, shunga mo naman eh. Ilan beses na niya sinabi sayo yan? Gusto mo paulit ulit?"

Sinimulan ikwento ni Belle kung paano ko niligtas sa kamatayan noon si Aya. Siya pala si Aviona, ang rakistang makapal ang eyeliner na niligtas ko sa pagtalon sa flyover. Dinetalye ni Belle kung paano nainlove sa akin si Aya. Nagresearch pa siya kung saan saan mahanap lang ako.

"Ayaw niyang maiba ang tingin mo sa kanya pag nalaman mo na anak siya ni Adelaida Cruz. Hence, nagpanggap siya. Natatakot siya na maisama mo siya sa listahan ng chicks mo at kalimutan na lang, kaya mas pinili niya mapalapit sayo. Pero dahil yun sa pagmamahal kuya, dahil sa love. Spell L O V E. Wag ka gumaya sa akin. Eto na ang chance mo for a happy ending."

"May sense ka pala kausap. Tumatalino ka pala pag seryoso ka," natatawa kong sabi kay Belle.

"Pota ka kuya, dati pa ko matalino, di lang halata. Remember, ako ang taga gawa ng assignment ni Ross nung college kaya naging magna cum laude siya? Fuck, naaalala ko na naman siya."

"Eh ginamit mo lang naman si Ross dahil grabe ka magpalibre ng pagkain. Akala mo di ko binasa yung Book 1 at Book 2 noh?"

"Kuya..." sabi ni Belle na parang nakikiusap.

"Ano na naman? Alam ko yang mukhang yan?"

"Sabi ni Aya, meron daw Ben & Jerry's ice cream Boom Chocolatta flavor sa fridge mo. Wala na kasi ko mahanap niyang flavor na yan, enge naman. Please?"

"Sabi na eh. Kunin mo dun sa fridge at umuwi ka na pagkatapos. Ako na bahala kay Aya. Insist mo sa kanya na pumasok bukas."

My Boss is a HeartbreakerWhere stories live. Discover now