Chapter 5 - Never Dance Again

36.1K 694 43
                                    

First time namin mag-oout of town ni Sir Kyle. Feeling ko, isang romantic date to sa Tagaytay.

Sana ma-traffic kami para gabihin kami sa daan. Tapos, mag-oovernight kami sa isang hotel, same room! Tapos, yayakapin ko si Sir Kyle na sobrang higpit.


O kaya, sasayawan ko siya ng isang sexy dance number na may background song na Never Dance Again ni George Michael.


♫♫♫ I'm never gonna dance again. Guilty feet have got no rhythm. Though it's easy to pretend, I know you're not a fool ♫♫♫


Landi ko noh? Bakit? Bawal mangarap ng gising?


Di ko mapigilan mapangiti sa mga evil dark plans ko. Kulang na lang yung evil laugh ko na bwahaha.


"Hoy, babae, anong iniisip mo? Makangisi ka para kang aso?" tanong ni Sir Kyle habang nagdridrive sa expressway.

"Secret, walang clue!" sabay tingin sa bintana ng kotse.


Anak ng pinakbet! Obvious masyado yung evil plans ko. Di ko naitago ang ngiti ko.


"Ang sabihin mo, nag-iisip ka ng maiitim na balak kung paano ako aakitin. Tama ba?"

"Alam mo naman pala, tinatanong mo pa," bulong ko sa kanya.

"Puro ka kalokohan, gusto mo ipark ko tong sasakyan at gahasain kita sa damuhan?" tanong ni Sir Kyle na nakatutok pa din ang mga mata sa daan.

"Sir, pag willing naman, hindi na rape yun. That is called, love making! Gagawa ako ng book ang title - The Art of Making Love in the middle of Rice Fields."

"Ang dami mo alam. Matanong ko lang, ilan na ba naging boyfriends mo? Hulaan ko, mga seventy two?"


Uy, interesado si Sir Kyle sa personal life ko. Feeling ko type na niya talaga ako hahaha!


"Isa pa lang ang nagkakamali sa akin. Kaso, pinagpalit ako ng kiking-ina kong ex-boyfriend sa dati kong bestfriend. Ikaw, Sir? Kaya mo pa ba bilangin ang mga naging girlfriends mo?"

"Sa totoo lang, hindi ko na nga maalala yung pangalan nung iba. Para silang naka save lang sa short term memory ko."

"Ang pogi mo kasi noh? Pero Sir, mawalang galang na ha? Pota ka kasi. Kung magpaiyak ng babae parang hobby lang. Kinareer mo pagiging heartbreaker mo."

"Maka pota ka, wagas! Hoy, babae, ako pa din ang boss mo. Pag sinabi ko hubad, dapat sumunod ka!"

"Hay naku. Hanggang ganyan ka lang, pero torpe ka naman pagdating sa akin. Speaking of ex-boyfriend/girlfriends, naging kayo ba ni Madam Claire?" tanong ko kay Kyle.


Si Claire Moore ay isang Fil-Am Architech and Interior Designer tulad ni Sir Kyle. Maganda at sexy. Isa siya sa mga big boss at madalas kasama ni Kyle during lunch or dinner. Kaya nga nasasaktan ang puso ko tuwing magkasama sila.


"Tigilan mo ang showbiz chismis, Aya," sagot niya after ng mahabang pause.

"So, it means naging kayo nga. Ang dali mo basahin sir," bulong kong sabi sa kanya.


Pwede naman sabihin na hindi, kung hindi naging sila. Ayaw pa umamin. Siguro, mahal pa din ni Kyle si Claire kasi di pa siya lumalagay sa tahimik.


Shit, parang dinudurog ang puso ko! Parang chinachop chop into small pieces. Nilagyan ng asin at binalot sa lumpia wrapper para maging Lumpiang Shanghai. Ang sakeeet!


"She was my college classmate," mahinang sagot ni Sir Kyle after uli ng ilang minutong katahimikan.

"Naging kami after we graduated, but she decided to break up with me. Mataas pangarap niya at ayaw niyang makaapekto yung relasyon namin sa trabaho. As of now, we are good friends. She's smart and very professional," dagdag niya.

"Pero mahal mo pa din di ba?" mahina kong tanong.


Di ko alam kung bakit nasasaktan ako ng sobra pag si Mam Claire na ang usapan. Siguro kasi, special at ginagalang ni Sir Kyle si Mam Claire.

Pero there is something about her na di ko mapaliwanag. Wala ko mapipintas kay Mam Claire kasi mabait kaso feeling ko, bait baitan lang siya. Fake kumbaga.


Yung parang maldita siya deep inside? Yung ganern? Yung parang kontra-bida sa love story namin ni Kyle?


"Hindi ko alam, Aya. Hindi ko din alam ang sagot diyan."


Hindi mo alam o ayaw alamin? Ang showbiz nitong si Sir Kyle. Gusto ko siya sabunutan sa mga moment na to!


After nang usapan namin about sa past nila ni Claire, napuno ng katahimikan ang buong kotse. Hindi ko na namalayan na pumarada kami sa isang malaking three-storey house.

My Boss is a HeartbreakerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu