Part 3 of 3

469 15 14
                                    

Last Chapter

Napabangon bigla si Seungcheol. Namamawis at malakas ang tibok ng puso. Pinanusan niya ang noo niya at huminga ng malalim.

Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kagabi. Ang mala-anghel na mukha ni Jeonghan. Malulungkot na mga mata.

Umiling siya at naghanda na para pumasok. Medyo wala nga lang siya sa sarili. Ang bagal bagal ng kilos niya. Paminsan minsan ay natutulala.

Habang naglalakad sa kalsada, walang ibang naiisip si Seungcheol kundi si Jeonghan. Nagaalala kung maayos ba ang kalagayan nito, lalo na't hindi sila nagkita kaninang umaga.

Bumalik sa katinuan si Seungcheol ng biglang hilahin ang kanyang braso.

"Seungcheol!" Sigaw nito at hinila si Seungcheol. May paparating na motor palapit sa kanya.

"Gago, hindi ka ba nakatingin?!" Iritang sabi ni Jisoo at kinotongan si Seungcheol. Ngumiti naman ito ng onti.

"Lutang ka na naman ba?! Umayos ka nga. Muntik muntikan ka ng mamatay." Halong kaba, pag-aalala at galit ang tono ng boses ni Jisoo.

"Tara na."

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Seungcheol na parang binalewala lang ang mga sinabi ni Jisoo. Sumunod naman ang kaibigan niya sa paglalakad.

Nang makarating sila sa opisina nila, agad na nagtanong si Jisoo.

"Ayos ka lang? Wala ka sa sarili ngayon ah."

"Ah, oo naman." Tumango si Seungcheol.

"Something's bothering you. What is it?" Seryosong tanong ni Jisoo at inikot ang upuan ni Seungcheol para iharap sa kanya.

"Wala nga. Ang kulit mo din."

Nakangising bumalik si Seungcheol sa lamesa niya. Palihim na bumuntong hininga si Seungcheol. Binuksan na niya ang computer para magsimula sa trabaho.

Focus na focus si Seungcheol sa trabaho, hindi mo na siya maabala. Hindi na nga rin siya nakapagbreak time.

Gusto niya lang mawala sa isip niya yung nangyari kagabi at hanggang ngayon ay naaabala parin siya tuwing iniisip niya iyon.

"Seuncheol..." Tawag sakanya.

"Seungcheol..."

Hindi parin ito nilingon.

Pangatlong tawag, "Seungcheol." Tsaka lang siya lumingon kay Jisoo.

"Ano?"

Tinuro naman ni Jisoo ang nagvavibrate na phone ni Seungcheol. Nakabaliktad ang lapag nito kaya hindi na rin napansin ni Jisoo kung sino ang tumatawag.

Kinuha ito ni Seungcheol at tinignan kung sino ang tumatawag.

Incoming call: Hannie-ssi

Bigla namang kinabahan si Seungcheol. Nagsitaasan ang mga palahibo niya sa katawan. Tinitigan niya muna ito bago sagutin.

Dahan dahan niyang nilapit ito sa tenga niya at nagsalita.

"H-hello?"

"Hyung..."

Sabi sa kabilang linya. Hindi boses ni Jeonghan ang narinig niya.

"Chan? Bakit na sa'yo phone ni Jeonghan?"

Medyo nawala ang kaba ni Seungcheol.

"Huh? Wala kaya. Baka mali yung pagkakabasa mo."

Intruder • Jeongcheol Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt