Part 2 of 3

453 12 2
                                    

"Seungcheol! Seungcheol!"

"SEUNGCHEOL!"

Patuloy na kumakalabog ang pinto pero hindi makakibo si Seungcheol sa pwesto niya.

Bumukas ang pinto at biglang napatayo si Seungcheol. Minulat niya ang mga mata niya, masakit ang ulo at pinagpapawisan.

Nanaginip nanaman siya. "Ugh.." Ngiwi ni Seungcheol at hinimas ang ulo niya. Kinapa niya yung pwesto sa gilid niya.

"Ang aga nanamang umalis ni Jeonghan." Bumuntong hininga siya at bumangon na. Wala naman siyang kadate ngayong Valentine's kaya napagisipan niya nalang na pumasok.

Ganon parin, bungad ang mga gawain sa kanya. Lalo na ngayong maraming naka-leave. Okay lang naman dahil wala naman na siyang ibang gagawin.

"Cheol, wala kang kadate?" Lumapit sa kanya ang kaibigan na si Jisoo. Umiling si Seungcheol sa tanong niya.

"Bakit naman? Wala ka pa bang chicks dyan? Reto mo naman ako."

"Jisoo, wala akong chicks. Kung meron, edi napatay ako ni Jeonghan."

"Si Jeonghan..." Tumingin si Seungcheol sa kaibigan.

"Oo, bakit?" Tinignan siya ni Jisoo pabalik at umiling.

"Wala." Ininom ni Jisoo ang kape na hawak niya, pero nakatingin parin si Seungcheol sa kanya. "Wala nga!"

"Move on na."

"Gago, mahal ko, syempre mahirap maka-move on 'no." Muling uminom si Jisoo ng kape niya.

"Bakit parang hindi ka galit sakin o baka naman pinaplastic mo ako."

"Hindi, oy hindi. Wag ka mag-isip ng ganyan, tinutupad ko lang pangako ko kay Jeonghan na walang magbabago sating tatlo."

"Parang ganon na din, dapat galit ka sakin ngayon eh."

"Mabait ako eh. Sorry na." Natatawang sabi ni Jisoo. "Tsaka bakit ako magagalit? Lahat ng nangyari ay fated na mangyari."

Natawa naman ng bahagya si Seungcheol, "Nalunod ako sa fated."

"Pero seryoso, wala ka talagang chicks dyan? You know? Party Party."

"Wala nga." Sabi ni Seungcheol sabay kotong kay Jisoo.

"Aw!" Ngiwi ni Jisoo.

Lumipas ang araw, dumating ang gabi. Pagod na pagod nanaman si Seungcheol. Natapos niya lahat ng trabaho niya pero ganon parin, anong oras na siya inabot.

Huminga ng malalim si Seungcheol at pumasok ng apartment niya. Agad siyang naligo at nagpalit ng damit. Kumain na siya sa labas kaya tulog nalang ang gagawin niya.

Nahiga siya sa kama at tumitig sa bubong. Sinusubukang matulog. Pero parang may gumugulo sa isip niya, na para bang may nalimutan siyang gawin. Bumangon siya sa pagkakahiga at tumingin sa orasan.

10:00 pm.

Bumalik ulit sa pagkakahiga si Seungcheol at sinubukang matulog. Patuloy na gumugulo ang isipan niya.

Ilang saglit lang ay nakatulog na siya. Ngunit hindi siya komportable. Nakaramdam siya ng kamay sa braso niya at niyugyog siya.

'Si Han nanaman 'to panigurado.' Sa isipan niya. Nilingon niya ito bago imulat ang mata niya. Napabangon naman siya at nagtataka. Walang tao sa tabi niya, pero bukas ang pintuan ng kwarto niya.

Tumayo siya sa pagkakahiga para tignan kung nandyan na ba si Jeonghan sa labas ng kwarto. Kinusot niya ang mga mata niya. Papalabas na siya nang pinto bago makuha ang atensyon niya sa orasan.

12:08 am.

Tumayo ang mga balahibo niya at napalingon sa labas ng pintuan, kung saan nakita niyang nakatayo si Jeonghan bago sumakit ang ulo niya at nagdilim ang paningin.


Intruder • Jeongcheol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon