Nathan: "oo. ang sabi ng mama mo masyado raw inabala ng papa mo ang sarili sa pamamahala sa bukirin nyo sa probinsya at kadalasan ay nakakalimutan na ang pagkain. Siguro ay nililibang ang sarili dahil nami-miss ka."

Chloe: "T-totoo?"

Nathan: "oo naman. mama mo ang may sabi niyon sakin. So paano? ipagpapaalam na kita para siguradong payagan ka ng boss mo ha?"

Chloe: "bahala ka."

**********

Pagkaraan ng ilang araw, ngayon ay magkasama kami ni Nathan sa kotse nito pauwi sa magulang ko.

Nang ipagpaalam naman ako ni Nathan sa boss ko na si Mr. Velasco ay agad naman na pumayag ito.

Nathan: "bakit ang tahimik mo?"

Chloe: "wala."

Nathan: "wala? o kinakabahan ka?"

Chloe: "ah m-medyo. hindi ko kasi alam kung paano haharapin sina papa."

Nathan: "dont worry just be yourself. alam nila na darating ka kaya naghihintay sila."

Chloe: "g-ganoon ba? l-lalo naman ata akong kinabahan."

Nathan: "huwag mo nang isipin yon. mga magulang mo parin sila at anak ka nila. mas malapot ang dugo kaysa sa anumang pagkakamali ng anak."

Chloe: "may gusto sana akong itanong sayo?"

Nathan:" ano yon?"

Chloe: "yang ginagawa mo. bakit ganyan ka parin makitungo sa akin? bakit kapakanan ko parin ang gusto mo? kahit minsan ba ay hindi ka nagtanim ng sama ng loob sa akin dahil sa ginawa kong pagtakas at sa mga salitang nabigkas ko noon? i know its to harsh?"

Nathan: "to be honest with you sa simula ay nasaktan hindi lang pride ko pero maging ang damdamin ko. Magkaibigan tayo naging mabait ako sayo. paano mo nagawa sa akin ang bagay na yon? paano mo ako napagsabihan ng mga ganoong klaseng salita na talaga namang nakakasugat ng kalooban. but later on i've realized that you did the right thing. hindi naman talaga tayo dapat magpakasal dahil lang sa maling akala ng papa mo at nagpapasalamat ako na ginawa mo yon dahil kung hindi, hindi ko na sana natagpuan ang babaeng talagang para sa akin."

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Where stories live. Discover now