“Sam…sandali.” Ipinulupot ko ang mga braso ko sa baywang nya mula sa kanyang likuran at ibinaon ang mukha ko sa kanyang kaliwang leeg. Humahagulhol ito.  “I’m sorry Sam, nag-alala lang kasi ako. Ilang oras na kasi kita hinintay.”

Tahimik ito pero humihikbi pa rin.

“Ano ba ang nangayari?” Iniharap ko s'ya sa akin at iniangat ang baba n'ya para makita ko ang mukha n'yang basang-basa ng kanyang mga luha; pinunasan ko ito sa pamamagitan ng likod ng aking kanang kamay, “Bakit ka naligaw?  Saan ka ba nagpunta?”

“Gusto ko sanang pumunta sa mall para magpalipas ng oras, sumakay ako sa taxi, ang kaso nung magbabayad na ako, saka ko lang nadiskubre na naiwan ko pala rito sa suite ang wallet at cellphone ko. Dahil do'n napilitan akong ibayad na lang do'n sa taxi driver yung hikaw ko.  Ang kaso...nasiraan naman ang lecheng taxi n'ya nung pabalik na kami kaya...”

“Kaya?”

“I walked 7 miles from there to here, ang masaklap pa, naligaw ako. Kung saan-saan ako napunta.  Wala namang magpasakay sa akin kasi wala naman akong dalang iba pang valuables na pwede kong ibayad. Puro blisters na nga itong paa ko oh.”

Ipinakita n'ya ang blisters niya sa magkabilang paa and ouch! Ang dami.  Ang sakit siguro no'n.  My poor Sam.

Niyakap ko s'ya nang mahigpit na mahigpit.

“Forgive me Sam.  I’ll do anything, mapatawad mo lang ako.”  Bulong ko sa kanya.

“Hmp.” Nakanguso n'ya akong itinulak.  “Pakainin mo muna ako, Karl, gutom na gutom na ako eh.”

“Ganun ba? Sige. Pero, gusto mo bang kumain sa labas o umorder na lang dito?”

“Utang na loob Karl, ayoko na munang lumabas, pagod na pagod na ako sa kalalakad.  Kung pwede umorder ka na lang dito.  Maliligo lang muna ako.”

“P'wede naman kasi kitang buhatin dito sa likod ko kung gusto mong kumain sa labas.”  Nakangisi ako.

“Weh?  Ano tayo? Mga Koreano sa Koreanovela?  Wag na Karl, dito na lang.”

“Anong gusto mo?”

“Kahit ano Karl, kahit hindi masarap, basta’t nakakabusog.”

Natawa ako. Naalala ko kasi noong mga bata pa kami. Noong magkapitbahay pa lang kami. Noong bago pa magpakasal ang aming mga magulang.  Madalas s'yang pabayaan ng Mama n'yang nag-iisa sa bahay na wala man lang iniiwang pagkain para sa kanya.  Kaya nakasanayan ko na ang alukin s'ya ng pagkain.  At kapag tinatanong ko s'ya, ganun lagi ang sagot niya… 

Kahit ano.  Kahit hindi masarap.  Basta’t nakakabusog.

"Kailangan mo ba ang serbisyo ko ngayon gabi?"

Katatapos lang naming kumain.  Alam ko ang ibig n'yang sabihin.  Pero hindi na lang ako nagsalita.

"Sobra kasi ang pagod ko ngayon Karl, p'wede bang magpahinga muna ako kahit sandali?" 

Hindi ko alam kung ano ang meron sa sinabi niya pero tila kinurot nito ang puso ko.  Ibig sabihin pala, kahit pagod na pagod s'ya, ibibigay pa rin n'ya kung hihingiin ko dahil pakiramdam n'ya, obligasyon n'ya ang ibigay sa akin ang kanyang sarili kahit hindi na n'ya kaya.

Nilapitan ko ito at sinapo ang kanyang mukha.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Sam, take all the rest you need.  I am not going to ask for it."  Kinuha ko 'yung bag na itinapon n'ya kanina na nakapatong lang sa side table ng kama. Iniabot ko ito at, "Heto.  Sa 'yo na ito. May utang pa nga akong kalahati hindi ba?"

Tiningnan muna n'ya ang bag, bago ibinaling ang tingin sa akin.

"H'wag na Karl.  Ayoko naman talagang magpabayad sa 'yo.  Pero sorry, hindi ko na maibabalik 'yung ibinayad mo sa akin dati. Ibinayad ko na kasing lahat 'yun sa mga pinakakautangan ko."

Hindi n'ya kinuha ang bag.  Iniwan n'ya akong nakatulala.  Nagtungo lang ito sa kama at agad humiga. 

God!  Paano ba ako mag-uumpisa?  How can I make our situation straight?

Tinabihan ko s'ya.  Tumagilid s'ya patalikod sa akin.  Ipinulupot ko naman ang braso ko sa kanyang baywang, saka ko isinubsob ang mukha ko sa kanyang batok.

"I love you, Sam."  Bulong ko. Nakakahiya man, umiyak na ako. Hindi ko kasi alam kung pa'no ko sisimulang ipaliwanag sa kanya ang puno't dulo ng aming hindi pagkakaunawaan.

Hindi s'ya umimik bagama't nauulinigan kong umiiyak din ito. Nadidinig ko ang mahinang singhot n'ya, maging ang paghikbi n'ya.

"H'wag mong sabihin yan, Karl." Mahinang sambit n'ya, "patapon ang buhay ko. Marumi na akong babae.  Isa akong basura.  Hindi mo dapat minamahal ang isang basura.”

[ITUTULOY]

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now