Chapter 7: The Punishment (Part 1)

Start from the beginning
                                    

Nagmadali ako sa pagtakbo patungo sa gym. Ilang mga estudyante ang naabutan kong naglalaro ng basketball. Hindi ko na rin ikinagulat nang makitang naroon si Van at ang ilang mga miyembro ng Black Government. Nahagip rin ng aking paningin si Trinity na nakaupo sa bleachers at pinanonood ang paglalaro ni Van. Akala mo'y ultimate fan ng basketball kung makasunod sa bawat galaw nito. Napansin ko rin ang isang may katandaang babae na naka-utility uniform at nakatayo sa tabi ni Trinity. Nang sa wakas ay napansin ako ng huli ay tumayo ito at ngumiti sa akin. Sinagot ko iyon ng isang exaggerated na pag-irap. I would have seen it as a friendly smile if I didn't know any better.

"You're late, Leondale. You should have started an hour ago," panimula nito.

Well, I woke up late in Van's comfortable, huge bed. Subalit sa halip na sabihin iyon ay humalukipkip lang ako at tiningnan siya.

"This is Ophelia. Ibibigay niya sa iyo ang mga tools na kailangan mo sa paglilinis," tukoy niya sa babaeng kasama niya. "Also, don't cause a scene with the boys. I don't want rumors going around about this punishment of yours. If you're doing that in your previous schools—"

"Oh, shut up, will you? Kung mayro'n man dito na kanina pa gustong gumawa ng hakbang, sa tingin ko ay ikaw 'yon." Lumingon ako sa mga naglalaro sa court upang bigyang diin ang aking sinabi. Agad siyang pinamulahan ng mukha at nag-iwas ng tingin. "Face a mirror, Trinity, or you'll die choking in your own words," sarkastiko kong pahayag at tumalikod sa kaniya.

Alam kong nagpupuyos siya sa galit dahil may ilang nakarinig sa aming pag-uusap. Ipinagkibit-balikat ko iyon at dumiretso sa girls' locker room habang nakasunod sa akin si Miss Ophelia. I even saw her grinning as she glanced back to where we left Trinity.

It was Sunday kung kaya't inaasahan ko nang walang masyadong estudyanteng babae ang pumupunta sa gym maliban sa mga sporty at cheerleaders. Kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag dahil walang masyadong lilinisin sa comfort room at locker room ng mga ito. Itinuro sa akin ni Miss Ophelia ang mga dapat kong gawin sa paglilinis. At dahil mukhang magaan ang loob niya sa akin ay napakuwento siya at napag-alaman kong may naparusahan nang tulad nito dati at lumipat ng ibang school.

"Hindi na kita masasamahan sa boys' area dahil may kailangan pa akong linisin sa main building. Huwag kang mag-alala dahil kapag mabilis kong natapos ang paglilinis doon ay babalikan agad kita rito," anito at ngumiti sa akin.

Ginantihan ko iyon ng isang tipid na ngiti at saka nagpaalam. Mukhang mabait siya at hindi ko gustong isipin ang pagtratong maaaring nakukuha niya sa mga estudyante rito. Hindi bale dahil kung sakaling makita kong may tumatratong masama sa kaniya ay hindi ako magdadalawang-isip na mangielam.

Suot ang mask at dala ang cleaning tools sa magkabilang kamay ay nagtungo ako sa boys' area. At dahil hindi naman naka-lock ang pinto at parehong puno ang mga kamay ay paa ang ginamit ko upang buksan ito. Subalit mukhang napalakas ang aking pagsipa rito dahil humampas ang pinto sa dingding.

Tumambad sa akin ang mga walang pang-itaas na mga lalaking nasa loob nito. Karamihan ay mga bago lang paligo at nasa aktong nagbibihis ng damit. Ang ilan naman ay akmang maghuhubad pa lang. Lahat sila ay napatigil sa ginagawa at natuon ang atensyon sa aking kinatatayuan. May pagtataka sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa akin.

"Hey, babe! Are you looking for me?" nakangising tanong ng isa sa kanila. He was probably a senior student. Hindi ko siya pinansin at nagsimulang maglinis ng mga kalat. Damn! Napakalaki talaga ng kaibahan kapag babae o lalaki ang gumagamit ng comfort room.

"Are you a freshman? How much trouble did you get yourself in to end up here?" dagdag-tanong ng isa pa. Subalit ng nauna ay hindi ko rin ito sinagot at itinuon ang aking atensyon sa paglilinis. Mas mabilis akong matapos, mas mabuti.

Montello High: School of GangstersWhere stories live. Discover now