3.Panget vs. Panget

35 3 1
                                        

Chapter 3

Charlotte's POV

Kinakabahan ako. Baka kwestyunin ako nito ni mommy pagnakita niyang balot na balot yung mukha ko. Medyo naibsan narin yung hapdi sa mukha ko. At baka bukas di na halata yung pamumula nito. Dahan-dahan akong naglalakad sa kusina. Mukang nasa sala si mommy at may kausap siya kaya panay ang tawa. Dahan-dahan akong umakyak papunta sa kwarto ko ng...........

"Oh Charlotte! Andyan ka na pala! Ang tita Lannie mo andito!"ano? Si tita Lannie? Dali-dali akong bumaba at pumunta sa sala.

"Hi po tita Lannie!"sabay yakap ko sakanya. Namiss ko talaga siya. Siya kasi ang pangalawa ko nang nanay nung nag-abroad si Mommy. At bestfriend ko din yung anak niya na si Jake. Nakakatuwa lang pagbinalikan ko pa lahat ng masasayang alaala naming dalawa na magkasama....

Nakita ko si mommy na halatang nagtatakayung itsura niya. Patay kang bata ka!

"Charlotte,bakit ba balut na balut ka ha? Anong nangyari diyan sa mukha mo?"nagtatakang tanong ni mommy. Omo! What shall I do?

"Ahm--ah--- kasi po ang polluted sa labas! Ang baho-baho ng usok mula sa saksakyan Mommy eh!hehehe!"palusot ko. Please!please! Gumana ka......

"Hehehehe mo mukha mo. Akyat na!"patay! Mukang naghihinala si Mommy ah?! Pero mas mabuti na din to kesa sa nagtagal pa ko dun at ipatanggal tong mask sa mukha ko......

Kinabukasan

Ang ingay-ingay dito sa room. Puro tawanan at kulitatan ang makikita mo. Well, ako? Shy type po ko! Kaya nasa sulok lang ako habang nanunuod ng video sa BTS. Omo! Crush ko si Suga!!!! Kyaaaah! Ang gwapo at cute niya!!! Hep!hep!hep! Walang kukuntra~! Hehehe........

Lahat ng tawanan at kulitan ay natapos ng dumating ang prof. namin. Galit na galit siyang pumunta sa harapan. Paktay! Yan kasi ang ingay-ingay! Well,exept me! Tahimik lang kaya ako rito habang pinagpapantasyahan si Suga my loves!

"I thought that this section is silent. But I stand corrected! THIS SECTION IS FULL OF STUPID............"grabe ka naman sir! Exept po sakin no! Kung alam mo lang!

"FULL OF CRAZY PEOPLE........"except sakin....

"FULL OF ABNORMAL PEOPLE!"ouch ansakit nun mga teh! But it doesn't hurt! Di po ako abnormal....

"AND ESPECIALLY FULL OF UGLY CREATURES!" ugl- ugly? Ugly creatures? Huhuhuh!!!! Grabe ka sir kung makapanglait!!! Ansakit nun ah! Tagos sa puson ko!(T^T)

"AKALA KO TAHIMIK ANG SECTION NA TO! BAKA KASI MAHIHIYA KAYO SA MGA ITSURA NIYO! BUT I WAS WRONG.... KANINA KASI NAG-AWAY YUNG KAPIT-BAHAY NAMIN AT NAGISING AKO DAHIL SA INGAY! KAYA NGAYON NAIINIS AKO DAHIL INGAY NIYO ANG BUMUNGAD SAKIN!!!!"so kaya pala ang bad mode na ni sir kahit umaga pa.... Na dagdagan tuloy....

"OK, get one whole sheet of paper...

I want to cunduct a long quiz"literal kaming napanganga sa sinabi ni sir. Ano?!! Long Quiz? Eh di nga ako nakikinig sa lessons kahapon ni sir! Patay kang bata ka! Kumuha ako ng isang pirasong papel at isang ballpen. Nanginginig na yung kamay ko sa sobrang kaba. Di rin ako nag-study kagabi. Di kasi nagsabi si sir kahapon!!! Huhuhu,nakakainis naman yung mga classmates ko oh!

*******************
After sa test war na naganap ay pumunta muna ako sa C.R para sumuka.

Di joke lang! Hahaha, exaggerated ko naman masyado. Manghihilamos lang ako. Ansakit ng ulo ko sa kaka-isip ng sagot. Malamang zero ako nito sa exam. Lalabas na sana ako para bumili ng snacks sa canteenn ng may bumangga sakin. Kaya napadapa ako sa sahig. Aisht. Wag mong sabihin na kagaya to sa eksina kahapon?! Omo! Ayoko na ng sampal.

"Bulag ka ba? "Pffftttt.... Ang sagwa ng mukha niya kung maka-asta akala mo kung sinong maganda.

"Ba't ba tumatawa ka ah?"ahahaha! Ang panget kasi ng mukha mo! Kung panget ako, mas tinreple ka!!......

"Stand up tall and let us now fight!"pfffttt........pati yung english niya napaka-wrong grammar! Stand up tall? Ano daw?! Bwahahaha!!! Nanlilisik na yung mga mga mata niya sa galit. Patay. Away na naman po to....

Tatayo na sana ako ng tinulak niya na naman ako pabalik.

"Matapang ka pala ah? Tandaan mo to! Pag-ako ang binangga mo,mas lalong papanget yang mukha mo! Marunong kang gumalang sa mga magaganda!" magaganda? Siya? Maganda? Asan? San banda?! Kung maganda siya eh ba't andito siya sa mga section ng mga panget? Tumayo ako para mapantayan siya. Pero mukang mas mataas pa ko kesa sa kanya. Hehehe! Oops,let me remind you, naka-heels po siya!

"Pucha! Akala mo maganda ka? Eh ang panget mo nga eh! Pffttt...."nagulat siya sa sinabi ko. At aakmang sasampalin ako. Mabilis ko naman itong napigilan gamit ang kaliwang kamay ko. Nanlaki yung mga mata niya sa ginawa ko. Akala mo ah na di ako papatul sa'yo? Pwes,nagkakamali ka bitch! May pagkamaldita din po ako pag ako ang magalit.

"How dare you to------"

"No, how dare you! Kung inaakala mo na di ako papatul sa mga katulad mo? Pwes, nagkakamali ka! Oo, pareho tayong panget pero mas panget ka kesa sa'kin! Kaya mag-urong ka diyan!"sabay tapon ko sa kamay niya. Binuksan ko na yung pinto at lumabas na. Kahit paalis na ko ay narinig ko parin ang sigaw niya.

"HINDI PA TAYO TAPOS GAGA!"bahala ka diyan. Mamatay ka sa galit. Kung kahapon natalo ako sa gyera,pwes nanalo ako ngayon. Panget laban sa panget? Game ako diyan. Hahaha!!!! At dumiretso nako sa canteen. Bigla ko namang naalaa yung nangyari kahapon. Kaya napag-desisyonan kong maglagay ng mask at isang pang-nerd na eyeglass. Tinalian ko din yung buhok ko. Ayan medyo di na nga halata na ako to! At pinatuloy ko na ang paglalakad.

Nung matapos na kung makabili ng foods ko, bigla nalang nanginginig yung kamay ko. Nakita ko na naman siya. Sila.

"Kahit anong balot mo pa diyan,kilalang-kilala kita!PANGET!"di na ko sumagot at tumakbo na sa lugar na iyon at bumalik na sa room namin. Mabuti pa dito nalang ako mamahinga. Akala ko talaga may gyera na namang magaganap. Mabuti pa ako nalang ang lumayo sa gulo. Bahala na kung ang gulo ang habul ng habul sa'kin. Sanay na'ko sa mga ganito...

-------------------------

Ay ang iksi? Pasensya na! Medyo tinatamad si author eh! Hehehehe! Pagpasensyahan na! Next time guys babawi ako.. PROMISE!!!

Lovelots@

Typical Panget's ProblemWhere stories live. Discover now