Chapter 1
"Ahh~PANGET!PANGETPANGETPANGETPANGETPANGETPANGETPANGETPANGETPANGET!!!!"nakasubsub lang yung mukha ko sa damuhan na puno ng putik. Iyak ng iyak parin ako. Di ko kayang ipagtanggol yung sarili ko para di na ako tuksuhin ng mga gagang to! Kung makatukso akala mo naman maganda rin sila. Ok lang sana kung ganon,maganda ang tumutukso sa akin. May gana pa akong magpatukso. Eh ang papanget ng mga to eh! Pasalamat sila mabait ako.
"Hmp. Dyan ka na nga!PANGET!"hayst. Mabuti at umalis na sila. Dahan-dahan akong tumayo at pinunasan ko ang panget kong mukha. Oo! Aminado akong panget ako! Kaya nga ako tinutukso diba?! At inayos ko na rin yung buhok kong akala mong isang walis tingting. Makapal na nga,dry at kulot-kulot pa. Eh san pa ba kayo? Eh di kalabasan niyan ay bully. Tanggap ko naman na panget ako at mabully rin. Di naman nila kasalan na panget ako.
Nung nakapasok na ako sa campus. Napansin kong walang tumitingin sa akin. Kung tumingin man mabilis lang din. Di tulad sa labas tititigan ka talaga at sabay pagtatawanan. Cool. So it means na I'm free rito! Wipiehhhhh!!! Hinanap ko na rin yung classrooms ko. At nang makita ko na ay pumasok na ko. Lahat naman ng atensyon ay nabaling sa akin. Oo nah! Oo na! Panget na kung panget!!! Uupo na sana ako ng may biglang humarang sa akin. Maganda siya matangkad din. At ang sexy ng posture ng katawan niya. Kaso mukhang maldita siya eh.
"Miss! Are you lost?"tanong niya. Sabay pamewang. See? maldita si ganda.
"Poh?"polite ko namang sagot.
"Ugh. Don't call me 'POH' dahil mukha mo palang mas matanda na sakin! And what're you doin' here uh?"
"Ano kasi.... Mag-aaral po"
"Duh! I'm not a bobo! The question is what......are......you......doing.......here? Wala ka bang napansin?" umiling nalang ako para sumagot. Nakakatakot kasi yung itsura niya eh. Nakakakilabot tingnan.
"Di mo ba nakikita? Lahat sila magaganda't gwapo!
Eh ikaw? Ano ka?!"ouch! Grabe siya makapanlait oh! Oo nga. Tama siya. Puro magaganda at gwapo yung nandito. Kinuha ko yung schedule ko. Para tignan ko kung mali ba yung room na pinasukan ko. Room 109 yung nakalagay dito. At room 109din yung pinasukan ko at imposible na di ito ang classroom ko.
"Akin na nga!"biglang hablot niya schedule ko. Natawa naman siya bigla. Ewan ko nga kung bakit. Nakitawa rin yung iba niyang kaklase. At bigla siyang natahimik.
"Pinagtatawanan niyo ba ko?" ay! Ang maldita talaga. Yung akala mo'y kakampi niya ay yun pa yung susungitan niya. Natahimik naman ang lahat. At nabaling na naman yung tingin niya sakin. Grrr.... Nakakatakot yung mga tingin niya.
"Bulag ka ba?"tanong niya. Huhuhu!!!(ToT). Sinabihan na ngang panget naging bulag pa!
"Eh section ugly yung room mo eh!Hahahaha!"nangingibabaw yung tawa niya dito sa classroom. Yung iba naman halatang nagpupumigil sa tawa nila. Huminto na naman siya.
"Sabayan niyo ako!"utos niya. Kaya yun nagsitawanan na yung lahat. Eh sira din pala to eh! Kung makapag-utos akala mo kung sino. Pasalamat siya diyosa siya sa kagandahan.
"Di mo ba alam ang room mo sweetie? Well,ituturo ko sa'yo"sweet niyang banggit. At hinatak ako papunta sa isang sulok ng building. At itinapon. Yan tuloy. Mga gamit ko kalat na! Kung makatapon akalamo basura ako! Hello? Tao po toh?!
"Diyan ka nararapat! Sa kulungan ng baboy!hahaha."at umalis na siya. Pasimple ko naman siyang binelatan. Kahit yun lang gawin ko ay masaya nako. Kaya pumasok na ko sa loob at humanap ng mauupuan. Kaso puno na ang lahat. May nakita akong isang bakante na space kaso walang upuan. Kaya don muna ako pansamantala. At inilagay ko na dun yung mga gamit ko. Kahit madumi yung sahig ay umupo parin ako. No choice eh! Magdadala nalang ako ng mauupuan bukas. May napansin din ako. Kung kanina ay puro magaganda yung nasa loob ng room. Dito naman ay sobrang opposite sa kanina. Puro panget ang nandito. At tama din yung description nung babae na parang kulungan ng baboy to. Mainit. Masikip. Mabaho. Maingay. Madumi. Puro panget yung nandito. Kaya any minute from now masusuka nako. Di sa pagmamalaki ah. Panget din ako pero mas lalong pumapanget ako kung pati yung lugar ay panget! Promise! Uutusan ko si lolo trump na ipa-renovate tong classroom na to. Ayan tuloy ang baho-baho ko na dahil sa pawis ko. Pati yung kili-kili ko ang basa-basa na! Pucha!!!! Nakakabadtrip naman oh! At dumating naman yung prof. namin. Naka-eyeglass siya. Halatang nerd. Mukang magkakasundo kami nito ah.
Halatang mabait siya.
"Goodmorning students!"masigla niyang sabi.
"Goodmorning din po sir!"masigla din naming sambit.
"I'm Mr. Kian Allegre and I will be your English teacher for the whole year. And since na this is your first day of class, I will let you introduce yourself infront" nauna naman yung girl na nasa first row at sunod-sunod na. At nung natapos na yung katabi ko ay aakmang tatayo na sana ako ng magsalita si prof.
"Ok. Thank you students! And now---"
"Sir!"sabay taas ng kamay. Nagtataka siyang tumingin saakin.
"Yes?"
"Di pa po ako nakakapag-introduce eh!"
"Hahahahaha!" tawa ng lahat.
"Quiet! I'm sorry miss kung di kita nakita. Ok miss you may introduce yourself in front!"kaya naglakad na ako papunta sa harapan para mag-introduce.
"Hi. Ako nga pala si Charlotte Henna Yashimito. 17 years of age. Ang hobby ko ay singing at dancing. Kung di kayo maniniwala sasampulan ko kayo--"
"Psh. Wag na! Baka lumindol pa! Bwahahaha!"tawa nilang lahat. Pati ba naman panget nilalait ng kapwa panget? Akala ko ba birds of the same feather flocks together? Eh ba't nilalait nila ako ngayon? Nakakainis! Kaya umupo nalang ako. Nakinig nalang ako sa discussion ng prof. namin habang lumulutang yung isip ko. Bigla namang nag-ring yung bell kaya lunchtime na! Halfday ngayon kaya dumiretso nako sa gate. At naghihintay sa driver ko.
--------------------------
Love the story? Don't forget to vote and comment poh! All my hardworks are for you guys. Chapter 1 palang po to. At sisiguraduhin ko pong mas papagandahin ko pa yung ibang chapters. Basta todo support po kayo sakin. Segi po at love po kayo ni author!
Lovelots@
YOU ARE READING
Typical Panget's Problem
Teen FictionPanget's life is not that easy..... Araw-araw kang binubully, sinasaktan ka ng iba. Pweding emotionally or even physically. Ang laging hiling ng mga panget ay sana mabigyan sila ng pagkakataon na gumanda. Eh pano kung mabigyan siya ng pagkakataon na...
