Dinala ko na yung upuan ko sa pwesto ko at komportableng umupo. Ngayon ay di ko na kailangang magtitiis na umupo sa maduming sahig na to. Sakto naman at dumating na yung prof. namin. At nagdiscuss na siya.
Di ako maka-fucos sa lesson ni sir eh! Sa kakatingin sa relo ko. Ewan ko ba kung anong meron sa relo ko dahil sa pabalik-balik kung kakatingin nito. Gusto ko na kasing magbreak na. Gutom na po kasi ako eh! Heheheh.
*Kriiiinnnnnggggg
Yes! Recess na! May favorite subject ever!!!! Ho! At dumiretso nako sa canteen. Pumila nako para makabili na ko ng snacks ko. Medyo malapit na din ako ng may biglang tumulak sa akin kaya napadapa ako.
"Excuseeeee meeee!~"sabay pagpag ng damit niya. Nakakadalawa ka na iha ah! Naalala niyo? Yung babaeng nang-insulto sakin dahil sa nagkamali akong napasokang room? Hello? Siya po yun. Pag ako napuno dahil kamalditahan mo, ihuhulog talaga kita sa bangin!
"ANO?"tanong niya.
O_O
Napalakas ko yata yung pagkakasabi ko sa utak ko kaya nagalit siya sa narinig niya. Omo! Patay kang bata ka. At papalapit na siya para sugurin ako.
"Ikaw! How dare you say like that! Ano? Matapang ka na ah?!"sabay hila sa buhok ko.
"Aray! Pasensya na po! Di ko sinasadya na sabihin yun!" ouch ansakit na ng buhok ko. Kung makahila naman to daig pa si hulk sa lakas. Aray! Huhuhu! Anshaket!!!!
"Please---plea--please! Tam----ma na po ahhhhhhh---"aray!! Hinila niya ko papunta sa quadrangle kaya napasigaw ako sa sakit na aking nararamdaman. Patay na nga yung buhok ko,tinurture pa ng babaeng to!
"Pahingi nga sabi bro eh!"
"Ayoko nga! Bumili ka nga sarili mong burger!"
"Ehhhh~ wala akong pera! Magde-date pa kami ng gf ko mamaya. Wala nakong pambili ng snacks namin mamaya! Kaya pahingi na nga lang!"
"Ew bro,mukha kang bakla. Tumahimik ka nga! Magdusa ka diyan bro!"
"G*go ka bro! Andamot mo!"
"Syempre no----"
Napatigil ang lahat sa ginagawa nila at napatingin sa direksyon namin.
Tumayo ako at humarap sa kanya, tinignan ko siya gamit ang killer glare ko. Kaya sa bawat titig ko sakanya ay napapababa siya sa sobrang takot. Nanginginig na siya ngayon at pinagpapawisan.
"Ang lakas ng loob mong turture-rin yung buhok ko! Patay na nga, mas lalo mo pang pinapatay!"galit na sigaw ko.
"So--so----sorry po! Pasensya na. Di na po mauulit!"takot ka din pala eh! Saan na yung pinagmamalaki mo ha?! Ha?! Puro ka sa't-sa't,wala ka namang da't-da't!
"Sa susunod,marunong kang gumalang sa mas nakakaganda sa'yo! Pasalamat ka at di kita binalatang buhay!"galot kong sambit.
"Patawarin niyo na po ako miss beautiful Charlotte....."
"Pwes,halikan mo ang paa ko!"napatingin siya sa paa ko. Nung una nagdadalawang isip pa siya kung hahalik ba siya sa paa ko. Pero hinalikan niya talaga ang paa ko at kadahilanan ng paghagalakhak ko ng napakalakas. Pinatid ko siya na parang asong gala at umalis na quadrangle.............
Anong ending?????
Ayun!
Imagination lang din!(^o^)b
Akala niyo totoo noh? Pwes!manigas kayo diyan! Imagination ko lang po yun! Hahahaha, galing ko no?! Idol ko brain ko! Ang galing mag-isip eh! Hehehehehe!
Back to reality na po tayo!
*pak *pak *pak
*pak dito *pak doon *pak sa mukha ko!
Napuno na yumg mukha ko sa bakat ng kamay niya. Naiiyak na ko sa hapdi ng mukha ko. Kahit di ko nakikita,alam ko na namumula na yung mukha ko.
"Ew!!!!!!sh*t! Lira! Akin na ang alcohol ko! Yucks! Nagka-germs na yung kamay ko! Pati ba naman mukha mo? Anidoro? Ang dumi-dumi ehhh!"tsk. Reklamador nito! Siya pa yung nananakit,siya pa yung may ganang manggalaiti. Double kill ako nito. At di nako nakapagpigil at humagulhul nako sa iyak.
"Oh~~~~ kawawa si baby~~~ umiiyak~~~! Bwahahaha! Ang sagwa ng mukha mo pag umiiyak! Hahahaha! Tignan niyo guys! Nakakatawa hahahaah!"
"Bwahahaha"
"Ang panget niya tol!"
"Put*ng*na bro! Nakakasuka yung mukha niya! Sayo na tong burger ko!"
"Wag na! Nakakasuka nga!"
"Diba sabi mo gusto mong kumain? Edi yan sayo na! Alangan ibasura ko pa."
"Wag na! Busog na ko bro. Basura mo na yan! May mukha kasing basura dito eh!"
"Ewww!!! Nakakasuka yung mukha niya! Tignan mo oh! Tulo laway pati yung sipon niya! Yuuuuccccckkk~!"di ko na kaya pang marinig ang iba't-ibang masasakit na kumento nila. Kaya tumakbo nako paalis sa lugar na 'yun. Di ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Napadpad ako sa isang lugar na tanging huni ng mga ibon lang ang maririnig mo. At doon ako naglabas ng sama ng loob.
"Ganito na ba ko kapanget? At inaapi nalang ng lahat? Pinagtatawanan,binubully?! Pakshet na buhay to oh!"
"Ba't ba kasi binuhay pa ako? Na ganto lang yung mahihinatnan ko!"na sambit ko nalang sa sarili ko. Namamaga na yung mga mata ko sa kakaiyak. Pati din yung mukha ko namamaga na din.
*krooowww!Krooowwww!
"Pati ba ibon? Nandidiri rin sa'kin?! Ano ba kayo?! Pati din kayo! Ang lakas mang-insulto!"parang akong isang tangga na pinapagalitan ang isang ibon na tinaehan ako. Aisht!
Huhu! Pano ako makakalabas sa campus na to ng walang hiyang madadatnan? Tumayo ako at naghanap-hanap ng madadaanan. Likod kasi ng school to. At malay mo may secret door pala dito. Kinapa-kapa ko yung pader na puno ng damo. May napansin naman ako na isang maliit na doorknob. Hinawi ko yung damo at di naman ako nagkakamali sa inakala ko. Totoo ngang may secret door dito. May napansin din ako na isang pangalang nakaukit.
"Charry LOVE Lucas<3" owwws!ang sweet nila. Halatang magkasintahan ang mga to! Binuksan ko na yung pintuan at tama nga! Isa itong lagusan palabas sa campus! Plano kung pumunta sa hospital para magpagamot sa namamaga kong mukha. Nang makarating nako,bati ng mga nurses at pagtataka ang bumungad sa'kin.
"Magandang umaga young lady---
ANO PONG NANGYARI SA MUKHA NIYO?!"
"Eh-- kasi-- uhm--- ah---eh--- ano eh uhm---"mag-isip ka Charlotte! Mag-isip ka!
"Ah! Andami po kasing lamok dun sa room namin eh! Kaya ang namumula yung mukha ko po!Opo yun po! Hehehe!"ano ba'yan! Ang tanga ng sagot ko! Aisht. Umalis nalang ako dun baka ano pang itanong niya.
"Doc,gamutin niyo po ang namamaga kong mukha"
"Iha, ano ba ang nangyari sa'yo at namamaga itong mukha mo?"
"Ah--- basta po! Basta pagalinggin niyo lang ito ok na!"haysss! Mabuti at wala na siyang tanong.....
-----------------
Oh my! Nakakaawa naman si Charlotte noh? Hays,bad author! Bad! Hahaha!joke!.... Well, nagustuhan niyo po ba? Don't forget to vote and comment poh! Chapter 3 naahhhh!hahaha......
lovelots<3
YOU ARE READING
Typical Panget's Problem
Teen FictionPanget's life is not that easy..... Araw-araw kang binubully, sinasaktan ka ng iba. Pweding emotionally or even physically. Ang laging hiling ng mga panget ay sana mabigyan sila ng pagkakataon na gumanda. Eh pano kung mabigyan siya ng pagkakataon na...
2.Panget vs. Maganda
Start from the beginning
