Dahil nakapag decide na ako, twineet ko ulit si GC. Bwisit naman kase! Pareho sila ng initials ni GC my Loves! Pero naisip ko rin, ano nga ba ang GC ni loves? Sa tagal-tagal ko na magpaka-fangirl sa kanya real name niya hindi ko manlang alam. Hays!
"@ItsMeGwapoCo: Hello Buds GC! May sagot na pala ako tungkol dun sa offer mo sa akin." Sana hindi siya magalit.
"@ItsMeGandaCo: Woah! Hello din! Teka bakit Buds GC? Ano payag kana ba?" Ang bilis naman niyang magreply!
"@ItsMeGwapoCO: Kaya Buds GC kase Buddy GC, simula nung binago ko UN ko pati sayo pinalitan mo din, gaya-gaya lang? We’re totally same! Haha." Oo nga. Bakit ko pala tinawag siya na buddy? Hay nako Charlene kung ano-ano na nasasabi mo.
“@ItsMeGandaCo: So yun pala yun! Hahaha. Buds GC din itatawag ko sayo. Ano pala yung sagot mo sa offer ko? Bakit ang saya ko? Nah. Nevermind.
Back to business. Medyo kinakabahan ako sa sagot ko kaya medyo matagal ako bago nakapagreply sa kanya.
"@ItsMeGwapoCo: No. Hindi ako pumapayag sa offer mo. Sorry Buds GC pero sa iba mo nalang ioffer yan.Thank you pala." Sana hindi siya galit. Please sana hindi ka galit. Sorry talaga.
Medyo matagal din siya nagreply pero ilang minuto pa ang lumipag nagreply na ulit siya.
"@ItsMeGandaCo: It’s okay. Saka kung pumayag ka hindi rin matutuloy kase hindi na ako pupunta diyan." Hala! Dahil ba ito sa akin kaya hindi siya pupunta?!
"@ItsMeGwapoCo: Sabihin mo nga! Dahil ba ito sa akin?"
"@ItsMeGandaCo: Nope. Hindi lang talaga kaya ng schedule ko na makauwi ng Philipppines. Sorry ha.Natakot ba kita?" Kinabahan ako dun! Akala ko dahil sa akin yun pala hindi naman. Thank you talaga!
"@ItsMeGwapoCo: Hindi naman. Nagulat lang ako pero thank you and sorry talaga ha. So see you maybe next time Buds GC?"
"@ItsMeGandaCo: I think so. Maybe see you next time Buds GC! Bye!"
Hindi ko na ulit siya nireplyan at muli natulog ako, Sorry naman antukin talaga ako. Sabihin niyo na hindi kayo antukin babatukan ko talaga kayo!
END OF FLASHBACK
Parang ngayon gusto ko na tanggapin yung offer ni Buds GC kaso ang problema hindi naman siya makakauwi ng Pilipinas kaya wala rin. Hays. Nakakaiyak bwisit!
"Let's go Baby! Nasa Krispy Kreme yung imemeet natin and please just today stop fangirling with that gay! I mean that guy. Sorry."
Nakakainis talaag si Kuya! Kung hindi niya lang siguro nakita na pinapatay ko na siya sa isip ko siguro hindi niya sasabihin ung guy.
"Let's go! Gusto ko na umuwi eh." Nagulat naman ako at inakbayan ako ni Kuya Aries. Sobrang weird talaga. At may ibinulong siya sa akin na nagpatigil ng tibok ng puso ko.
Finally Baby, the long wait is over. He’s coming back, soon.
---------------------------------------------------------------------------------
Sino kaya ang tinutukoy ni Kuya Aries? Abangan!
VOTE ~ COMMENT ~ SUPPORT
• FanGirl •
Start from the beginning
