• FanGirl •

294 11 6
                                        

Nagising ako dahil sa silaw ng araw sa loob ng kwarto ko. Maganda ang panahon ngayon. Dali-dali akong bumangon sa kama ko at binuksan ang laptop ko.

Nagpunta ako sa site kung saan makabibili ng ticket para sa concert niya pero hindi ko kaya ang mga nakikita ko.

Bwisit! Nakakainis! Ayoko nang mabuhay! Mas mabuting mamatay nalang ako. Huhuhu.

Nagsisigaw talaga ako sa loob ng kwarto ko nang dahil sa galit! Bigla naman bumukas ang kwarto ko at nakita ko si kuya na nagmamadaling lumapit patungo sa akin.

"Baby ano nangyari?" Pinupunasan ni Kuya Aries ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo. Kaya pinakita ko nalang ang laptop ko sa kanya.

"What's these baby? Inaway kaba ng laptop mo?!" Ano daw?!

"Kuya naman eh! Walang buhay ang laptop kaya paano ako aawayin niyan?!" Nang-gigigil ako sa kuya ko! Bwisit!

"Paanong walang buhay yang laptop mo eh naga-"

"Isa pa kuya! Tatamaan ka sa akin! Tingnan mo nalang yung screen at makikita mo diyan kung bakit ako umiiyak!"

Hindi na nga normal yung sitwasyon tapos nakukuha pa ni kuya na lokohin ako! Nakakainis!

"Hmm. Nakalagay lang naman dito ay all tickets are sold-out. Ano iniiyak mo diyan?"

"Anong iniiyak ko kuya?! Hindi ko na mapapanuod ang concert niya! Bakit kase nakalimutan ko magpareserve eh! Paano na yan kuya?! Hindi ko na siya mapapanuod!" Geez. Humahagulgol na ako sa harapan ng kuya ko. Madalas nakikita niya ako na malakas na tao na lahat ng bagay kaya kong harapin tapos nang dahil lang sa ticket nagkakaganito ako. Shit talaga!

Wait. Niyakap ako ni kuya? Yakap-yakap niya ako ngayon at tinatapik ang likod ko.

"Malaki na talaga ang baby ko. Ang malakas at walang kinakatakutan na kapatid ko ay nag grow-up na. Umiiyak na siya ngayon sa harapan ko eh dati siya pa yung nagpapaiyak sa ibang tao. Hayss. Tumatanda na talaga ako."

Tumawa si kuya nang saglit at nagpatuloy ulit sa pagsasalita.

"Yung iniiyakan mo ba ay yung concert nung bading na kpop star na pupunta dito sa bansa natin?" Ano?! Tama ba ang dinig ko?!

"Hindi siya bading kuya! Pati ba naman ikaw?!"

Sige tawa pa kuya! Akala niya hindi ako naiinis sa kanya. Konti nalang talaga!

"Okay. Serious matter talaga ito. Alam mo Charlene, hindi naman palaging makukuha natin yung mga gusto natin. Minsan akala natin hindi na maganda yung magiging kalalabasan kase hindi nasunod yung mga gusto natin pero mali tayo,kase hindi natin inaasahan may mas maganda pala na result kung bakit hindi iyon ang nangyari. Mayroon palang mas okay na plan at dapat natin ito iaccept kase mas doble yung saya na matatanggap natin. Mas hindi natin alam mas nakakaexcite 'diba? Kaya wag kana umiyak diyan baby kase kung naubusan ka man ng ticket malay mo may mas magandang mangyayari na hindi mo expected right?" Humiwalay sa pagkakayakap ko si Kuya at muling pinunasan ang luha ko.

"Don't worry baby,kung hindi ka man nakabili ng ticket loves ka parin ni Kuya. Sige alis muna ako ha. Bye baby!" Kiniss niya ako sa cheeks at lumabas na ng kwarto ko.

Kaya loves ko rin yung kuya ko. Kahit hindi ko siya palaging nakakasama atleast sa mga ganitong moment andiyan siya sa tabi ko.

Ni-log in ko yung twitter account ko para icheck kung ano ba ang mga bagong updates sa kanya,kay GC. Nahagip ng mata ko yung pinost ng Manager niya. Picture nila na nag prapractice. Tapos may caption na : "I'm so happy. My baby is back" Tapos magkayakap silang dalawa. Alam ko naman na wala ito dahil sobrang sweet lang nila na dalawa. At kahit sino pa na love niya ay love ko narin kahit nakakaselos pa. Hahaha.

My Unexpected Buddy (Editing)Where stories live. Discover now