"Wait lang kuya! Ang bilis mo naman maglakad! Teka nasaan naba yung imemeet mo?" Gusto ko na kase talaga umuwi eh! Hays. It's not my day today!

"Parating na daw siya. Tara maglibo't-libot muna tayo. Pa-VIP kase yun." Jusmiyo! Kung alam ko lang na matagal itong imemeet namin sana pala ay hindi na ako sumama! Bwisit talaga!

Naglalakad lang kami ni Kuya Aries nang mapadaan ako sa SM Tickets at nakita ko ang poster niya. Bukas na pala ang concert ni GC my loves. Isang linggo na pala ang lumipas. Na-alala ko ang huli naming paguusap ni Buds GC.

FLASHBACK

Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Tumatawag ang bestfriend kong babaita!

"Alam mo panira ka nang tulog ano?!"

 

"Hoy! Grabe ka naman Best! Kanina pa ako tumatawag sayo ha, halos naka 50 missed calls ako sayo! Tulog mantika ka talaga! Hay nako!" Chineck ko nga yung screen at nagulat ako dahil may 50 missed calls nga at galing iyon lahat kay Best Kix!

"Sorry naman Best! Hays. OA lang masyado ha! Kelangan talaga 50 calls ang gawin? Ano pala ang kelangan mo at bakit ka tumatawag?"

 

"May pa-raffle kase para sa concert ni GC! Tara sali tayo!"

 

"Hindi ako sasali best, sorry ha, sige bye." Hindi ko na hinintay yung sagot niya at pinababa ko nalang yung phone ko.

Sa palagay ko tama ang lumabas na sagot sa Magic Ball ko kahit 2 letters lamang ito. NO, yan ang lumabas na sagot noong tinanong ko kung payag ba ako sa offer ni GC. Tama rin siguro na wag ako pumayag sa offer niya kase number 1 hindi ko siya lubusan na kilala. Number 2, kahit maldita akong babae alam ko naman ang tama sa mali noh! And lastly, number 3, Hanggang fangirl lang ako. Kung ano ang kaya ko para maipakita yung support ko sa idol ko wag na ako maghangad ng mas mataas pa dun. I mean kung hindi talaga para sa akin na makita siya in person at mapanuod ang concert niya and then I'll accept it. Kase the more na pinilipit yung bagay na gusto mo hindi magiging maganda yung resulta nito.

Teka, Ano nangyayari sayo Charlene?

 

 

Shit! Akalain mo iyon naisip mo yung mga bagay na ganyan! Pero seriously kung yung offer lang talaga yung chance para makita ko si GC, hinding-hindi ko iyon tatanggapin.

My Unexpected Buddy (Editing)Where stories live. Discover now