"Natatakot ka saan?"

"Baka kasi magsawa ka sakin eh ..."

Bahagya akong ngumiti.

Humarap ako sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya at iniangat ko ang kanyang mukha.

"Hindi mangyayari yon ... impossible."

"Hindi mo ko iiwan?"

"Oo. Kahit saang lupalop ka pa ng mundo mapunta – susundan kita. Hindi kita iiwan."

"Kahit sa impyerno?"

Natigilan ako bago ako sumagot.

"Kahit sa ... kahit sa impyerno."

Bigla niya akong niyakap.

"I love you Damon ... I love you so much!"

Hinalikan ko siya sa buhok.

"I love you too."

Thinking of those memories brought back the humanity in me. I suddenly felt a little love, a little care for Julia. I felt an urgency to bring her back. I need her – not Kathy. I can spend a lifetime in hell but not Julia. I will end her agony, no matter what it takes.

[KATHY'S POV]

Hindi ako mapalagay. Ang hirap paniwalaan lahat ng nangyari. Kailangan pang muntik-muntikan akong mapahamak bago magbago ang takbo ng sitwasyon naming dalawa.

Ano kayang nakain niya?

Magugunaw na ba ang mundo?

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa side table. Kailangan kong makausap si Sthep. Para naman kahit paano'y gumaan 'tong nararamdaman ko.

Mga dalawang beses na nag-ring ang phone sa kabilang linya bago ito sinagot ni Sthep.

"Hello ..." Medyo basag na ang boses siya. Halatang na-istorbo ko siya sa pagtulog. Tinignan ko ang oras, alas dose na pala ng hatinggabi. Ilang oras na pala akong nakatunganga sa kakaisip.

"Sorry sa pag-abala ko sa pinakamaganda kong bestfriend." Bati ko naman sa kanya. Gustung-gusto niya kasi yon, yung masabihan ng maganda.

"Natural. Ako lang naman ang bestfriend mo."

Medyo natawa na lang ako sa sinabi niya. "Ay. Ang sungit naman po pala ni Ate girl." Pang-aasar ko. "Sorry na, hindi kasi ako makatulog eh."

"Kaya ginising mo ako, ganun ba?" Halatang inis talaga siya sa pagtawag ko.

"Sorry na nga. May problema kasi ..."

"Hay naku Kathy! Kung tungkol na naman kay Damon yang problema mo, nagkamali ka ng taong tinawagan. Wala na akong panahong makinig sa'yo at sawang-sawa na din akong pagsabihan ka!" Medyo nakakabingi niyang sabi sakin. Napapapikit na lang ako habang pinapakinggan ang sermon niya.

"Actually ... tungkol nga sa kanya." Inihanda ko na ang sarili ko sa mga sasabihin niya sakin.

"Shit!" Yun lang ang tanging nasabi niya. Pagkatapos noon ay isang mahabang katahimikan na ang namagitan sa aming dalawa.

"Chum?" Tinawag ko siya sa tawagan namin. Alam ko naman na kahit kailan hindi ako matitiis ng bestfriend ko.

"Ano?"

"Pwede na ba akong magsalita?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"Bakit? Pinagbabawalan ba kita? Ang sakin lang naman, tigilan mo na ang kahibangan mo kay Damon, Kathy!"

"Pero hiniling niya na wag ko siyang iwan. Ano namang magagawa ko? Tao lang ako na patuloy pa ring humahanga sa kanya?" I don't know but the more she gets mad, the more I can open up with her.

"Hindi na paghanga yan Chum, may sakit ka na!"

Sa ganitong mood ni Sthep, malabong masabi ko sa kanya ang nangyari sakin kagabi. Dahil sigurado akong aawayin na naman niya si Damon.

"Feeling ko wala naman. Normal naman ako. Baka siya ang may sakit kasi pumayag siyang maging personal slave ko this sem."

"Ano?!" Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Ikinuwento ko kay Sthep lahat. She was amazed and surprised at the same time. Maging siya hindi rin makapaniwala sa nangyari.

"Basta, mag-iingat ka. Hindi na natin kilala yang Damon na nakakasama mo. May sa demonyo na yata yung lalaking yun eh!" She exclaimed.

At some point, I understand her concern. "Lagi naman akong nag-iingat."

"Oh sige na, patulugin mo na ako. Lalo lang ako akong pumapangit dahil sa'yo." Pagkasabi niya noon ay ibinaba na niya ang telepono.

Nahiga ako at unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. Kasabay ng dalangin na sana bukas o makalawa, bumalik na yung dating Damon na kilala ko. Kahit na bumalik pa sa dati ang lahat.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon