Chapter Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakahanap na yata ng gagarahe sa kanya." Narinig kong bulong ng isa sa kanila.

"Yun ba yung lalaking madalas na dumalaw sa kanila? Ang gwapo nun at saka mukhang bata pa." Komento ng isa pa.

Binigyan ko sila ng 'mamatay ka sa inggit' na ngiti ng magawi ang tingin ko sa kanila.

"Oy, Saskia! Huwag mo kaming kalilimutan ah." Natatawang biro ni Pia.

Mga hinayupak kayo, kung makalait kayo sa pamilya ko noon. Hindi ko talaga makakalimutan ang mga mukha niyo.

Pakiramdam ko ngayong ako si Julia Roberts doon sa dating palabas niya yung paborito ni Ninang at ni Mammy, yung Pretty Human.

"Saskia..." Lumapit sa akin si Wendell. "Totoo ba yung sabi nila? Lilipat na daw kayo?"

"Hindi, Wendell. Ipapasyal lang namin yung mga gamit namin, nalulungkot na kasi sa loob ng bahay." Sarkastikong sabi ko.

"Talaga? Hindi kayo lilipat? Hindi ka aalis dito?"

"Wendell naman! Nakita mong naghahakot na kami ng mga gamit. Lilipat na kami. We go to greener departures." Umikot ang mga mata ko sa kanya.

"Greener pastures, Ate." Sabat ni Cosme.

"Tumulong ka na lang sa paglabas ng mga gamit." Sabi ko sa kanya bago ibinaling pabalik ang atensyon ko kay Wendell. Lumambot ang mukha ko. "Pero Wendell, nagpapasalamat ako sa'yo sa pagpapautang mo sa amin sa tindahan niyo kahit nagagalit ang Nanay mo. Napakabuti mo sa akin."

"Alam mong lahat gagawin ko para sa'yo, Saskia."

"Huwag kang mag-alala, alam ko makakahanap ka din ng babaeng para sa'yo. Saka kukunin kitang Ninong ng baby ko ha."

Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "Buntis ka?"

"Oo..." Pinatong ko ang kamay ko sa tiyan ko.

Bakas ang labis na lungkot sa mukha niya. "P—pwede bang mayakap ka? Kahit sandali lang?"


"Oo naman. For old timer's sake." Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko sa kanya.

"Salamat, Saskia. Mamimiss kita." Yumakap siya sa akin.

Nakarinig ako ng mahinang pag-ubo mula sa likod ko at napakalakas ako sa pagkakayakap kay Wendell. Lumingon ako at nakita si Migs na nakatayo sa likod ko.

"Hey, ready to go?" Tanong niya sa akin.

"Sige na, Wendell. Aalis na yata kami. Kita kits na lang ulit ha?" Kinawayan ko siya ng huling beses.

Naglakad na si Migs papunta sa kotse niya at mabilis akong sumunod sa kanya. Sumakay ako at ini-start niya na ang kotse.

"Teka, nasan sina Mammy?" Tanong ko.

"Sa truck na daw sila sasakay. Kasama nila ang Ninang mo." Sagot niya bago mabilis na lumingon sa akin. "Who was that guy?"

"Si Wendell yun! Kapit bahay namin saka kaibigan ko." Kaswal na sabi ko.

"How come I'd never seen him before?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi naman din kasi kami madalas na magkita."

"I see..." Tumango-tango siya.

"Bakit? May problema ba, Migs?" Pinigil ko ang ngiti ko. Nagseselos ba siya kay Wendell?

"Wala." Umiling siya. Naghari ang katahimikan sa loob ng kotse. Pagkaraan ng ilang minuto ay nabasag iyon. "He's not a boyfriend?"

"Ha? Hindi ah!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang pagsungaw ng ngiti rito.

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon