Chapter 17: Cleid

8.5K 369 14
                                    

"PANGASINAN!" sigaw ni Kuya Grey sabay talon palabas ng van.

Sumunod naman ako sa kanya. Pagkababa ko ng van na sinakyan namin ay naglibot muna ako ng titig sa paligid. Makahoy at sariwa ang hangin sa lugar. Mula naman sa kalayuan ay natatanaw ko na ang asul na dagat.

"So, welcome to my hometown. Kumusta ang first impression?" sabi ni Kishou sa tabi ko.

"This place looks great," sabi ko naman.

"I'm glad to hear that," Kishou said, smiling widely.

Naglakad na kami sa isang maliit na pathway sa gitna ng mga kahoy at niyog.

"When can we swim, Kishou?" tanong ni Kuya Grey.

"After lunch pwede na. Pinahanda ko na 'yung mga kayak tsaka jet ski," sabi ni Kishou.

Well, heto na nga at bakasyon na namin. I was able to pass the term end exams. At mukhang sa year level namin eh ako raw ang nangunguna sabi ng class adviser namin. Si Kuya Grey naman eh tuwang-tuwa sa'kin at mukhang niluwagan na niya ang seguridad sa'kin pagdating kay Kishou.

Naramdaman ko bigla ang kamay ni Kishou sa kamay ko. I flinched a bit and looked at him.

"Can I? Tuwang-tuwa kasi si Grey oh. Bihira lang ang ganitong mga opportunity. Kahit ngayon lang?" he asked.

Tumango na lang ako. Agad naman na humigpit ang mga kamay niya sa kamay ko.

"Hanggang Grade Four ako nanatili dito bago kami lumipat nina Mama papunta sa Manila. Hindi na nga lang nakatayo 'yung dati naming bahay. Halos taon-taon akong umuuwi rito lalo na kapag bakasyon or Christmas. A lot has changed here though," sabi niya habang tumitingin sa paligid.

"Sino-sino ba ang mga kamag-anak mo rito?" tanong ko.

"Yung Tita ko na lang na teacher at yung pamilya niya ang nandito. Yung Tito ko kasi na architect eh nasa Amerika na. May apat na pinsan ako rito. Sila 'yung nag-aasikaso ng rest house kung wala kami," sagot ni Kishou.

'Di nagtagal ay lumawak na ang pathway at tumambad na sa'min ang isang napakagarang bahay na napapalibutan ng matatangkad na bakod at mga kahoy.

"Welcome to our home!" sabi ni Kishou.

"This is huge," sabi ko habang nakatingala sa bahay nila.

Bumitaw na sa'kin si Kishou at tinulak na niya 'yung malaking gate ng bahay.

Inside was even more beautiful. Maraming mga namumulaklak na halaman at mga maliliit na punong-kahoy. May ilang gazebo din sa paligid.

"Kuya Kishou!" biglang sigaw ng isang babae mula sa bahay.

A little girl came rushing to us. "Kat-Kat!" sabi ni Kishou sabay yakap dun sa bata. Binuhat niya ito bago siya humarap sa'min.

"Everyone, this is Katrina Kathleen Intal Jacelana. My youngest at pinakamakulit na pinsan," sabi ni Kishou sabay kiliti sa pinsan niya.

"Hello!" bati ko naman sa kanya.

"At sila sina Kuya Grey at Kuya Red mo. Magkapatid sila. Say 'Hi' to them," pagpapakilala sa'min ni Kishou.

"Hello po!" sabi niya habang kumakaway sa'min.

"Tara na sa loob," aya sa'min ni Kishou.

Agad naman na may sumalubong sa'min pagkapasok namin sa bahay.

"Hi Tita!" bati naman agad ni Kishou sa isang babae bago siya bumaling sa'min. "This is Tita Karen! Sila naman po sina Grey at Red, magkapatid po sila at mga kaibigan ko po," sabi niya.

His RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon