𝑲𝒊𝒍𝒍𝒆𝒓𝒔

165K 3.1K 200
                                    

𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓝𝓲𝓷𝓮 : 𝓚𝓲𝓵𝓵𝓮𝓻𝓼

"HINDI PA naman namin lubos na alam ang pagkakakilanlan ng bawat myembro ng grupong ito pero mukhang isa silang notorious Gang group na binabayaran upang pumatay." Paliwanag ni Attorney kay Eve at Rett.

"Hired killers then?" Tanong ni Rett. He was checking the photographs that was given to them by the lawyer.

"You can say that. Mukhang hawak rin sila ng ilang malalakas at kilalang politiko, may matataas na rango rin ng kapulisan."

Tahimik lang naman si Eve habang nakikinig at pinagmamasdan ang mga litratong nakakalat sa malaking mesang kahoy sa harapan niya. Mga litrato na nagpapakita sa mga taong may suot ng puting maskara para takpan ang kanilang buong mukha.

"Ayon sa mga nakalap ko pang impormasyon, matagal nang nabuo ang grupong ito even before you two were born. Mabilis silang nakaka-recruit ng bagong myembro dahil sa perang kapalit. Their loyalty only lies upon the money they would get. The higher you pay for them, the more loyal they are to you."

Eve still couldn't find a word to say. Pure madness are building up inside of her, consuming her whole being. Naikuyom niya ang mga kamao. These people is the reason why all this happened, why her family died. Why her life turned miserable. Hindi sapat ang kahit anumang halaga ng salapi sa mga buhay na binawi. Kung buhay ang kinuha, dapat ay buhay rin ang maging kapalit. Hindi na importante kung maging isang kriminal rin siya para parusahan ang may mga sala. To beat a monster, one must turn into a monster too.

"Vanessa?"

Nagulat siya sa malakas na boses na tumawag sa pangalan niya. Bumalik rin siya sa kasalukuyan, Rett was eyeing her. His brows forming a line as he look at her. Their lawyer mirroring his expression. Hindi niya napansin na nalukot na pala niya sa gigil ang litratong hawak. Agad ay binitawan niya iyon. She was too occupied by anger to notice everything around her.

"What's the matter?" She asked them in a calm voice but deep inside she wanted to scream in frustration, in anger.

"Malayo yata ang lakbay ng iyong isip, hija. You're spacing out."

"I'm sorry... I was in deep thought. What were you saying again, attorney?"

Pinagmasdan siya nga abogado, "Sigurado ka? Pwede naman natin sigurong ipagpaliban ang araw na ito kung masama ang iyong pakiramdam."

Masamang iniisip, iyon ang nararamdaman niya ngayon. "No, I'm fine. Ituloy mo lang ang gusto mong sabihin."

"What are you thinking? You crumpled the photograph harshly, and you look like you wanted to murder someone." Napatingin silang dalawa ng abogado kay Rett sa sinabi nito.

Tininingnan niya si Rett, mata sa mata. "Gusto mo talagang malaman? I want to execute them all! Gusto kong iparanas ang lahat ng sakit na ipinaramdam nila sa akin ng patayin nila ang magulang ko! Ang Lolo ko! I want to shred them to pieces! I want to kill them with my own bare hands!" Nahampas ni Eve ang mesa ng malakas. "Do you still want me to elaborate how am I going to torture them to death?" She was glaring at him.

"Eve, hija kumalma ka. Don't put justice in your hands, let's just allow the law to-" Their lawyer tried to stop her pero hindi siya nagpatinag.

The Mafia Heir (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon