Syempre naman!

"Swerte ko talaga, dahil bukod sa maganda na siya masipag pa. Masarap pa magluto." pagyayabang ko sa kanya.

"Oo, nga eh. Minsan pinatikim na niya ako ng luto niya."

Ano daw?!

Pinatikim na ng babe ko si Arvie ng niluto niya?!

Kelan yon?!

Bat hindi ko alam?!!

Kulang na lang durugin ko tong basong hawak ko sa sinabi niya. Syete! Pilit ko na lang itinatago yong sobrang pagkaasar ko sa taong to! Nakakasira siya ng mood!

Hindi ko na siya nagawang sagutin, ni ayaw ko ngang lingunin yong pagmumukha niya! Naaasar ako! Asar na asar!

"Jill, tapos ng kumanta si Wendy." si Frances.

Narinig ko na lang na nagpalakpakan ang ang mga tao. Papalapit na ang Sis ko dito sa table namin, tatayo sana ako para bigyan siya ng mauupuan kaso naunahan na ako ni Arvie.

Bakit ba napaka-epal ng taong to!

"Wendy ang galing mo talaga. Humahanga ako sa boses mo."

Tumirik agad yong mga mata ko sa sinabi ni Arvie. Pumapapel talaga eh!

"Thank you ha." sagot naman ni Wendy.

Naniwala naman agad! Hmp!

"Jillian, baka gusto mong kumanta? Duet tayo?"

"Huh?!" nagulat ako sa tanong ng Sis ko. "Ayoko nga!" agad kong sagot sa kanya.

"Eh di wag!" sagot naman niya sakin.

"Tayong dalawa na lang Wendy. Mamaya duet tayo! Game ako sa kantahan."

Nagcrossed-legs na lang ako saka tumingin sa ibang direksyon dahil nakakairita na talaga ang isang to. Feeling close naman sa kapatid ko!

"Wala ka bang zonrox diyan?" bulong ko kay Frances.

"Bakit maglalaba ka ba?" bulong din niya.

"Hindi, ipapainom ko sa epal na Arvie na yan!"

Biglang natawa si Frances.

"Ang init talaga ng dugo mo sa kanya no?"

"Epal kasi eh! Sarap durugin ng pagmumukha niya!"

"Aysus! Napaka-brutal mo talaga Jill."

"Bakit ba gustong gusto niyo yan?!"

"Okay naman siya eh, mabait naman at kahit papaano marunong makisama."

Tumahimik na lang ako. Mula nong una kong makilala si Arvie kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya. Lalo na ngayon, parang tuwang tuwa si Wendy na nakikipagkwentuhan sa kanya!

Eto pa ang masaklap!

Napapatawa niya ang Sis ko! Abnormal din tong si Wendy eh! Pag ako kausap lagi akong binubulyawan pag si Arvie tuwang tuwa siya. Hmp! Asar!

Pabagsak kong nilapag yong baso na hawak ko. Pinagtinginan tuloy ako.

"Sorry, lasing na ata ako." sabi ko.

"Lasing eh ice tea lang yang iniinom mo!" si Wendy.

Inirapan ko lang siya saka tumayo at nagtungong banyo. Naghilamos ako saka sumugod kung saan naruroon si Jo.

"Oh Jill, eto try mo tong bagong alak ni Yana...ahhh aray ano ba!"

Hinawakan ko agad yong kwelyo niya saka hinila.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum