Chapter 5

2.9K 98 4
                                    

"KAYA mo pa ba? Hatid na kita."

Nagdadalawa na ang paningin ni Elise kay Jonas. Lihim na minura niya ang sarili sa isip. Ang sabi niya sa sarili kanina, kaunti lang ang iinumin niya pero nakadaming bote pa rin siya.

"Hindi na. Kaya ko pa. Samahan mo na lang akong mag-abang ng taxi," wika niya habang binibilang ang mga empty bottles sa harap niya. Anim... Pito... Tatlo... Lima...

Napakunot-noo siya. Parang mali ang bilang niya?

Uulitin sana niya ang pagbibilang pero hinila na siya patayo ni Meridith.

"Lasing ka na, friend. Magpahatid ka na lang kay Jonas para safe."

"Ayoko. Magta-taxi ako." Tinabig niya ang kamay nitong nakaalalay sa kanya. "Hindi pa ako lashing."

Naglakad siya para patunayan ang sinasabi. She tried her best to walk as normal as possible. Pero paekis-ekis pa rin ang mga paa niya.

"Kainis."

"Tulungan na kita." Inalalayan ni Jonas ang braso niya. "Ako na lang din ang sasama sa iyong mag-abang ng taxi, ha?" Nilingon nito ang mga kasamahan nila. "Ako na ang bahala kay Elise. Safe na safe siya sa akin."

"Siguruhin mo lang. Ibabaon ka ng buhay ni Elise kapag may hindi maganda kang ginawa sa kanya," babala ni Ram.

"Wala akong gagawing masama sa kanya. Kayo talaga." Napailing-iling si Jonas. "Tayo na nga, Elise. Masyadong madumi ang utak nila."

"Marumi rin naman ang utak mo, ha?" wika niya. Gusto niyang kumawala rito pero kapag ginawa niya iyon ay matutumba siya.

Natawa ito. "Huwag ka namang ganyan, honeyloves. Malinis ang intensiyon ko sa 'yo."

"Honeyloves?" Napasimangot siya. "Ang pangit. Kasimpangit mo."

"Lasing ka lang kaya mo nasasabi iyan."

Lumabas sila ng bar at iginiya siya nito sa parking lot.

"May taxi ba d'yan?" Itinuro niya ang daan. Lasing siya pero alam niya pa ang mga nangyayari. "Doon ako mag-aabang."

"Kotse ko na lang ang gamitin natin. Hindi tayo nakakasiguro sa mga taxi sa dis-oras ng gabi."

Nag-init ang ulo niya. "Sabi mo, sasamahan mo akong mag-abang ng taxi?"

"Ituring mo na lang na taxi ang kotse ko." Huminto sila sa tapat ng puting Toyota Corolla. Binuksan nito ang passenger side. "Hop in."

Iniharang niya ang mga kamay nang itulak siya nito papasok.

"Magta-taxi sabi ako!" giit niya. "Kaya kong umuwi nang mag-isa."

Hindi sumagot si Jonas. Napansin niya na nakatitig ito sa kanya. Kinunutan niya ito ng noo.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

Napangiti ito. "Naisip ko lang. Mas maganda ka pala kapag natititigan ng harapan. Mas maganda ka ngayong lasing ka."

"Bakit ikaw, pangit ka pa rin kahit lasing na ako?"

"Lasing ka lang kaya nasasabi mo iyan. Saka, wala naman sa hitsura iyan. Nasa galing iyan sa paghalik. Try me."

Inambaan niya ito ng suntok. "Gusto mong hindi na makauwi ng buhay?"

"Don't play so hard to get, Elise."

Nang lumapit ito sa kanya ay napaatras siya. Bumangga ang likuran niya sa kotse nito.

"I'm not playing. Sadyang ayaw ko lang sa 'yo."

THE HEARTBREAKER TEAM SPECIAL BOOK: IVO CRUISEWhere stories live. Discover now