Chapter 3

2.7K 98 0
                                    

HINILA ni Elise ang kumot sa leeg niya nang maalimpungatan dahil sa lamig. Tumagilid siya sa malabot na kama niya—ganito ba kalambot ang kama niya? Ah, malamang masyado lang na-miss ng katawan niya ang kutson niya kaya ganito. Heto nga at napakabigat ng katawan niya at nananakit...

Napakunot-noo siya. She tried moving again. Masakit talaga ang katawan niya lalo na parteng...

Her eyes flew open. Tumambad sa mga mata niya ang kulay yellow na wallpaper. Wala namang wallpaper ang kwarto niya.

Napakurap siya para i-adjust ang mga mata sa liwanag. Nakita niya mula sa bintana na mataas na ang araw.

Dahan-dahang bumangon siya. The comforter fell and she realized she was naked.

What the—

Hinila niyang muli ang makapal na kumot patakip sa katawan niya.

Shit! Ano'ng ginawa niya kagabi? Ano'ng nangyari?

Hinagilap niya sa sumasakit na ulo ang nangyari nang nagdaang gabi. Ang huling malinaw sa kanya ay ang pagpapainom sa kanya ni Sofia ng alak na lasang cherry sa shotglass. Pagtapos niyon, hinanap niya ang cr. Then everything was a blur.

Natatandaan niyang may matangkad na lalaking tumulong sa kanya para mahanap ang comfort room pero hindi niya matandaan ang mukha nito. Nahilot niya ang sentido.

Iginala niya ang paningin sa paligid. Wala siyang katabi at mag-isa na lamang sa kwarto.

Sino ang lalaking iyon? Sino ang pangahas na nakakuha sa virginity niya?

"Damn it, Elise! Minsan ka na lang makipag-socialize, napahamak ka pa! Kasalanan mo itong lahat, Sofia. Pati na ang alak na pinainom mo sa akin!" Kapag nakita niya ito ay sasakalin niya ito.

Bumukas ang isang pinto sa kaliwa. Iniluwa niyon ang isang lalaki na nasa huling listahan ng mga gusto niyang makita sa mga oras na iyon. Si Ivo Cruise! He's only wearing a white towel on his waist. Kinukuskos nito ng isa pang towel ang basang buhok nito.

Damn! Bakit ganito kaganda ang katawan ng lalaking ito?

Ibinalik niya ang utak sa kasalukuyan. Then, a realization struck her.

Napanganga siya. Huwag nitong sabihing ito ang nakasama niya buong gabi? Humigpit ang hawak niya sa kumot.

Napatingin ito sa kanya. That irritating grin was curved on his mouth.

"Good morning!" Naupo ito sa gilid ng kama sa tabi niya. "How are you feeling?"

Napasiksik siya sa headboard.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Ano'ng ginawa mo sa akin?" singhal niya rito. Well, hindi pa ba malinaw ang ginawa nito sa kanya kagabi? Bukod pa sa pagsakit ng ibabang parte na iyon ng katawan niya? Nag-init ang buong mukha niya sa pagkapahiya sa sarili. Gusto na niyang humagulgol sa pagkawala ng pinakaiingat-ingatan niya pero pinigil niya ang sarili. Ayaw niyang bigyan ng kasiyahan ang siraulong ito. "Rapist ka!"

"Rapist?" Napahagalpak ito ng tawa.

Lalo lamang siyang naasar. "Ano'ng nakakatawa? Idedemanda kita!"

"As far as I know, sweetheart, ikaw ang nang nang-seduce sa akin."

Para siyang nakakita ng alien sa katauhan nito. "Ikaw? Ise-seduce ko? Huwag na. Hindi pa ako nababaliw."

"Sinabi mong maganda akong ngingiti..."

A scene flashed back on her mind...

'"Ikaw."

THE HEARTBREAKER TEAM SPECIAL BOOK: IVO CRUISEWhere stories live. Discover now