Chapter 4

2.8K 94 1
                                    

Present time...

"FRITZ," tawag ni Ivo sa isa sa mga bench players niya matapos pag-aralan ang performance ng team niya sa laban nila sa Northbridge University Warriors.

"Yes, coach?"

"Magbihis ka. I-sub mo si Rowie."

"Yes, coach."

Nahilot niya ang noo. Lamang ang kalaban ng limang puntos. Wala ang kapatid niyang si Grey at distracted sa laro sina Joru at Rowie. Mas lalo na ang huli. Ang tanging functional sa larong iyon ay sina Cade, Revin at Van. Despite Revin's bruises from the day Syhnie was kidnapped, focused pa rin ito sa laro.

Si Grey ay nasa San Isidro nang mga panahong iyon kasama si Amber. In-excuse na niya ito sa game nila para makapagpahinga ito kahit paano at makolekta ang sarili sa katatapos lang na kaganapan doon. He knew, only Amber could help his brother right now.

Si Joru naman ay kanina pa hindi mapakali. Marahil ay dahil na rin sa pangyayari nitong linggo sa pamilya ng girlfriend nito.

Hmm. Madagdagan nga ang trainings ng mga bugoy na ito.

Cade, on the other hand, was doing great for a first year. Mabilis din ito katulad ni Revin at magaling sa shooting katulad ni Rowie. Hindi ito katangkaran kaya ang inaasahan lang nila ngayon sa rebounds ay si Joru. Normally, sina Grey at Joru ang kumukuha ng rebound. Since, wala ang una, hindi niya mai-sub out ang team captain sa laro.

"Coach," tawag ni Rowie nang makalapit ito. Naupo ito sa tabi niya. Marahas na pinunasan nito ang pawis sa mukha. "Sorry," frustrated na sabi nito.

Good. Mukhang alam naman pala nito ang mga missed shots nito.

"You should be. Magdagdag ka ng one hundred shootings a day to get your senses back." Ivo's lips twitched on what his team called his 'sardonic grin'. "Hindi pwedeng maging ganito ang performance mo sa mga susunod pa nating games."

Hindi nagsalita si Rowie. Masama pa rin ang mukha nito habang nakatingin sa court. When Rowie glanced at the audience, he knew why he was acting that way. Pansin niya, wala ang fan nito na sobrang lakas mag-cheer para rito.

Napailing-iling siya. Girls. Bakit ba ngayon pa dinale ng pag-ibig ang mga star players niya? Bakit sabay-sabay pa?

Inakbayan niya ito at sinadyang higpitan ang braso sa leeg nito. "Do I hear an answer? Huh?"

Napaubo ito habang nagpupumiglas sa galamay niya. "Yes, Coach! Yes!"

"How many shots will you practice?"

"One hundred a day!"

"No. Make it five hundred." Magrereklamo pa sana ito pero hinigpitan niyang muli ang pagkakasakal dito. "What's the answer?"

"Yes, Coach!"

Saka niya lang ito pinakawalan. "Good." Ibinalik niya ang pansin sa court. "Now, watch how this game will end."

"Paano kapag natalo tayo?"

Natalo? He slowly turn his head on him. Hindi niya alam kung bakit namutla ito. "May sinasabi ka ba?"

"Wala, Coach. Sabi ko, kahit wala ako at si Grey sa laban, mananalo pa rin tayo dahil may magaling kaming coach."

Nasisiyahang tinapik-tapik niya ang balikat nito.

Hindi dito matitibag ang undefeatable record ng Heartbreaker Team. Ipinatong niya sa likuran ng kamay ang baba at pinag-aralan ang galaw ng kalaban nila.

THE HEARTBREAKER TEAM SPECIAL BOOK: IVO CRUISEWhere stories live. Discover now