"JO CHEEEEEEEEEEEEENG!"

Sigaw ko. Ughhh! Nakakainisss!
Narinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya. Tuwang tuwa ang loko. I can imagine him laughing out loud! This guy just pisses the hell out of me!

"Pfft~ pusa ko? Pfft~
Bumaba ka na sabay na tayong pumasok ng school. I'll wait for you downstairs."

He said what? Did he just say dowstairs did he?

"What? Downstairs? You mean . Sa baba as in baba?"

Narinig ko na naman ang mahina nyang pagtawa. Bwisit na talaga ako.
Seryoso. Tumayo ako papunta sa pinto ng kwarto ko at lumabas. Dahan dahan akong lumapit sa may ng hindi nakikita upang matanaw ko nga kung andoon si Jacob.

"Bye pusa ko."

Toot* toot*

Laglag ang panga ko ng matanaw ko ngang nasa living room ang loko. Seryoso siya! Omaygash! Tumakbo ako papuntamg kwarto ko. Nang makapasok agad kong sinara ang pinto at inilock. Inilapat ko ang tainga ko sa pinto para pakinggan kung ano man ang mangyayare sa baba. Naririnig ko na may naguusap. Sinampal ko ang sarili ko nagbabakasakaling nanaginip lang ako.

'Aray hindi ako na nanaginip andito nga ang Jo cheng na yun!'

Umayos ako sa pagkakatayo at tumakbo na sa loob ng Cr.

UGH! JACOOOOOOOOOB!

Napasabunot ako sa buhok ko sa frustration.

××××××

Nasa harap na ako ng salamin at nakauniform na rin ako. Hinayaan ko na nakalugay ang unat at hanggang balikat kong buhok. Naglagay ako ng cream at naglagay ng kaunting press powder. Pagkatapos naglagay ng lipgloss and perfume. And tsada! I'm done.

I smiled after checking myself out.
I look good. Pero makikita pa rin ang dark circles sa ilalim ng mata ko. Eyebags. Napabunting-hininga ako at kinuha ang salamin. Reading glasses lang naman ito. Pagkatapos kong isuot tinignan ko ang itsura ko. Napangiti ako ng makitang nakatulong ito na maitago ang eybags ko. Pshh.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan dahil sa suot kong black shoes. Putek kasi bat may heels to? Kapit na kapit ako sa hamba ng hagdan. Ingat na ingat sa pagbaba. Ako lang ba oh ang dami atang steps ng hagdan namin? Feeling ko 20 minutes na ako dito mwehehe.

'Ilang steps na lang, kayakoto!'

Nakita kong mga 5 steps na lang at pwede na akong bumitaw dito sa hawakan. Mukha na akong tarsier sa higpit ng kapit ko e.

'Ang sabi ng tarsier,
Bes kapit lang.'

Napailing  at napatatawa na lang ako sa kung ano anong naiisip kong kalokohan.

'Ayan na, natatanaw ko na! Ka--'

"Anong tinatawa tawa mo diya---"

"AY KAPIT LANG WAAAAA---!"

Napapikit pa rin ako at inaantay ang pagbagsak ko sa sahig namin. Pero parang ang tagal ata? Limang steps na lang yun a? O mali lang yung bilang ko? Omoo? Bakit hindi ako bumabagsak?

"Cath, open your eyes. Nasalo kita, wag kang Oa." he chuckled. Napamulat naman ako ng mata dahil sa sinabi niya.

"Hindi ako nahulog?" tanong ko kay Jocheng. Hawak ng isang braso niya ang baywang ko at ang isa naman ay sa hamba ng hagdan para sa suporta.  Napatawa naman siya sa tanong ko. Bakit ba?

"Obviously, Cathleya. Hindi. O gusto mong ihulog kita?" sagot niya. Sinubukan niya nga akong bitiwan para mahulog. Dali-dali ko namang isinabit ang dalawang kamay ko sa batok niya. Gago to, ihuhulog talaga ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Binalewala lang naman niya ito at tinulungan akong makababa.

[Ex-] Lover (ON-GOING)Where stories live. Discover now