Chapter 5:

10 0 0
                                    

Epal

Charm's Pov

Inhale. Exhale.

Hayy. Kapag talaga ito ang subject, wala ng nakikinig.

Malamang charm, history eh.

Napailing naman ako. Yung iba nakatulala. Yung iba patagong nagcecellphone, yung iba nagseselfie. Yung iba nagdadaldalan. May sari-sarili silang mundo. At ang pinakakakaiba sa lahat ang dalawang taong to.

Lumingon ako sa katabi kong si Acey.
Umiling sya.
Napabuntong-hininga na lang kaming dalawa habang nakatingin sa dalawang ito.

Paano ba naman..

Countdown ang nais.

"5...
4...
3...
2..."

*bellrings*

"LUNCHBREAAAAAAK HERE WE COME!"

That's Dem with her famous 'suntok sa hangin pose'

"wooooOhhhhhhhh yes! Yeeeeeeeeeeeees whoooooo!"

And last but not the least Maria and her famous 'Whoooo Yes Clap'.

As usual. Center of attention na naman ang mga bruha.

Napaface-palm na lang ako si Acey naman nagtakip na lang panyo at pinipigilan ang pagtawa.

Yung teacher sa harap namin hindi makapaniwala sa isinigaw ng dalawang ito. Napakamot ito sa ulo na halos wala ng buhok.

"Dem,Beb pwede bang maupo muna kayong dalawa? Uiii.."

Paasik kong sabi . Umupo naman ang dalawa at sumibangot.

"Ee gutom na ako. Tagal tagal nya magturo wala naman ako naiintindihan."

Reklamo ni Maria. Puro pagkain utak nito e.

Tahimik lang naman si Dem pero nakasibangot. Kanina pa nagring yung bell pero di pa rin umaalis sa kinatatayuan ang teacher namin.

Tinaas ni Dem ang kamay nya.
Bumalik naman sa huwisyo ang teacher sa harap.

"Yes Ms. Cole?"

"Sir, kanina pa po nagring yung bell. Lunch break na po."

Kumunot naman ang noo nito at parang nairita.

"Dem, umupo ka na nga."

Saway ko.

"Bakit ba?"

Napalingon naman kami kay sir nang magsalita ito.

"I heard it right Ms. Cole.
But i'm not done here discussing. Problem about that?"

Sasagot na sana si Sir pero tinaas naman ni Beb yung kamay nya.
Nagkatinginan sila ni Dem pagkatapos ngumiti.

"Yes Ms. Kazuma?"

"Sir there's a problem about that."

"Come again, Ms. Kazuma?"

"Sir, sabi ko may problema doon. Sa subject nyo itinuturo nyo kung paano sumunod sa batas. At tingin ko Sir ang pago-overtime ay paglabag sa rules ng school."

"WOOOOOOOOOOOOOAAAAH!"

Sigawan naman sa loob ng room.
Grabe. Literal akong nganga. Pati si Sir. Nanlaki ang mata.
Si Dem naman nakangiti samantalang si Acey. Amaze na amaze.

"ALL OF YOU! QUIET!
How dare you talk back on me you will pay for this! Meet me at the principals office! Ms. Kazuma get out. Bring with you, your seatmate, Ms. Cole. GET OUT!"

[Ex-] Lover (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon