Chapter 7:

18 1 0
                                    

Feelings

Charm's Pov

Pinagmasdan ko ang itsura ko sa harap ng salamin. Sinusuklay ko ang lampas balikat kong buhok at kung minsa'y napapatigil at napapatulala.
Sa tuwing naalala ko 'yon, hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot.

Sinipat ko ang aking imahe sa salamin sa aking harapan. Kita na ang paglaki ng eyebags ko pati ang lungkot na nagtatago sa mata ko.

3 days na.

3 days na ang nakalilipas simula ng araw na iyon. Ibinalik ko ang hairbrush ko sa lalagyan nito at pinatay ang ilaw. Nagtungo na ako sa aking kama nahiga at kinausap ang sarili ko.

"Hindi niya na ako kinausap simula noon."

Napatitig ako sa kisame. Anong gagawin ko? Kakausapin ko ba siya?

"Hindi, wala naman akong ginawang masama diba?"

'Oo tama wala akong ginawang mali.'

'Wala nga ba?"

Ipinikit ko ang mata ko upang piliting makatulog ngunit wala naman itong silbi. Nagbago ako ng pwesto at tumagilid. Hindi ako mapakali. Umikot ako. Ilang beses. Hayys.
Itutulog ko na lang ito. Bahala na bukas, kakausapin ko siya.
Nagdasal muna ako matulog. Ipinikit ko na ang mata ko desididong matulog.

****

****Boy, you can say

anything you wanted

I won't give an 'shh'

No one else can have you

I want you back

I want you back***

Naalimpungatan ako sa ringtone ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko naman ito. Alam kong nasa ilalim ito ng unan ko. Nang makuha ko ang cellphone inilagay ko ito sa aking tainga. Nanatiling nakapikit ang mata ko dahil sa antok. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip.

"H-Hello.." sabi ko sa medyo inaantok na boses.

Narinig ko naman ang pagtawa sa kabilang linya.

"Who's this?" tanong ko. Hindi pinansin ang pagtawa nya.

Bakit ba? Hindi niya naman ako nakikita. Tsk. Panira ng pagtulog e.

"Goodmorning kamahalan."

What the? Kamahalan?

"Sorry, pero wrong number ka po kuya. Hindi po kamahalan ang pangalan ko."

Unti-unti ng nagigising ang diwa ko sa caller na 'to. Nakakainis. Hindi na nga ako makatulog kagabi, tapos kulang pa sa tulog. Bwiset!

Tumawa na naman ang caller sa kabilang linya. Naiinis na talaga ako ngunit nakapikit pa rin. Pinipilit ko uli makuha ang tulog ko.

"Bangon na,kain ka na po ng breakfast. Malelate ka na..."

Hinintay ko ang susunud na sasabihin nya. Paano nya nalaman na nasa higaan pa ako? Nakikita nya kaya ako? Sino ba ito? Minulat ko ang mata ko at pilit kong binabasa ang caller I.d. Hindi ko mabasa ang


"Pusa ko."

Pusa? Pusa? Pusa ko? What? Pusa k-- PUSA KO?!

Napabalikwas ako sa kama at ngayon sigurado na akong gising na ang diwa ko. Like what the fudge?! Binasa ko ang caller I.D sa cellphone.
Shet.

[Ex-] Lover (ON-GOING)Where stories live. Discover now