Chapter 5

9.8K 359 30
                                    


Ianah's POV

"Welcome to Magical School!" ngiting sabi ni Water habang nakatayo sa harapan ng labas ng gate ng tinutukoy niyang paaralan dito sa Godderna.

Ang paaralan na pinapasukan ni Water na siyang papasukan ko simula sa araw na ito. Ang akala ko ay hindi na ako muling makakapasok ng paaralan pagkatapos kong matigil noon dahil sa kakulangan ng pera at naubos na din ang ipon ni Lola na iniwan saakin.

Laking pasasalamat ko na napunta ako sa mundong ito dahil magagawa kuna ang mga bagay na gusto kong gawin dito.

"Salamat." ngiting sabi ko at pinagmasdan ang mahabang gate. Sobrang taas nito at ang haba. Parang yung sa palasyo ng Godderna.

"Pasok na tayo. Mukhang late na tayo haha" napapakamot sa ulo na sabi niya. Napailing nalang ako sa kanya. Hindi naman ito ang unang beses na pumasok akong late pero unang araw ko sa paaralang ito kaya hindi maganda sa pandinig na nahuli ako sa unang araw ko sa klase.

Pagkapasok namin sa paaralan ay muli akong namangha at nilibot ang tingin sa paligid ng paaralang ito.

Sobrang lawak ng ground na kasing lawak din ng building ng paaralan.
Kung nasa mundo lang ako ng pinanggalingan ko ay hindi kailan man ako makakapasok sa ganitong kagandang paaralan dahil pang Elite lang ang paraalang ito. Mayayamang tao lang ang pwedeng pumasok dito ngunit mabuti nalang ay nasa ibang mundo ako kaya nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-aral sa ganitong kagandang paaralan.

"Tara na! Kailangan nating tumakbo papunta sa room natin." tumango ako sa kanya pagkatapos ay tumakbo kami. 

Nakasunod lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung saan ang daan papunta sa room namin na tinutukoy niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit magkaklase kami ni Water. Ang akala ko ay magsisimula ako sa unang grado kahit na nakakatawa dahil mga bata lang ang pumapasok sa grado na yon. Iba naman kasi ang tinuturo nila sa paaralang ito. Pangalan palang ay klaro na. Magical School.

Habang tumatakbo kami sa loob ng gusali ay nakikita kong napapatingin saamin ang ibang mga estudyanteng nasa loob ng kanilang mga klase.

"Late na naman si Water." dinig kong sabi nila habang sinusundan kami ng tingin. Mukhang kilalang late comer si Water. Naku lagot ako nito baka magaya ako sa kanya.

"Sino yang kasama niya?" dinig ko pang tanong nila. Ang lakas lang ng pandinig ko. Mabilis ang takbo namin ni Water pero dinig ko parin ang sinasabi ng mga estudyanteng nasa loob ng kanilang mga room. Hindi ko alam kung parte ba to ng kapangyarihan ko dahil bago lang saakin ito o baka talagang normal lang sa mundong ito na lumalakas ang pandinig namin.

"She's pretty."

Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila.

Patuloy kami sa pagtakbo kay Water hanggang sa tumigil kami sa harapan ng pintuan at naging sunod-sunod ang paghinga niya habang ako ay nakatingin lang sa kanya na hindi manlang nakaramdam ng pagod.

Teka--Bakit hindi ako nakaramdam ng pagod sa tinakbo naming yon?!

"Pag earth controller nga naman." mahinang sabi ni Water na nakatingin saakin habang naghahabol parin siya ng hininga.

Ibig bang sabihin ay kaya hindi ako nakaramdam ng pagod dahil sa kapangyarihan ko? Anong klasing kapangyarihan ba ang meron ako?

"Pasok na tayo" sabi niya nang maging ayos na siya. Tumango ako sa kanya.

Hinawakan ni Water ang doorknob pagkatapos ay dahan-dahan niyang binuksan ito.

Nauna siyang pumasok kaya agad siyang napansin ng guro.

Godderna's Kingdom (COMPLETED)Where stories live. Discover now