Chapter 3

11.6K 387 19
                                    


Ianah's POV

Nakatayo lang ako sa gilid habang nasa harapan ko ang dalawa.

Hindi ko naman masisisi ang God na kausap ni Water na hindi magalit dahil pinapasok ako ni Water dito.

Sino ba naman kasi ako para papasukin dito?
Napaka scared ng place na to para lang matapakan ko.

"Alam mo naman Water na bawal magpapasok dito ng ibang Berna." sabi niya kay Water habang may galit na tuno.

Mukhang mapapagalitan pa si Water dahil saakin.

Bakit ba kasi ako dinala ni Water dito kung alam niyang mapapagalitan siya?

Mukhang masyado siyang na excite dahil sa pagdating ko sa mundong ito kaya mapati ang sacred place dito ay hindi na niya naiwasang ipakita saakin.

"Alam ko God of fire pero hindi lamang siya isang Berna dahil.." putol ni Water sa kanyang sagot.  Hmm?

Berna?

Ano yon?

"Dahil ano? Ilang beses ko ng sinabi sayo na huwag mo akong tawaging God of fire. You can call me on my name." sabi niya na medyo kumalma na ang tuno ng boses niya.

Napatingin ako kay Water na nanatiling nakayuko na para bang nasa ibaba nito ang kanyang kausap. Kanina ko pa napapansin na iniiwas niya ang tingin niya kay God of fire. Masyado ba siyang natatakot dito kaya hindi niya magawang tumingin ng deretso sa kanya?

"Pasensya na Flame." hinging paumanhin ni Water habang nakaiwas parin ng tingin kay Flame.

Kung ganon ay Flame ang pangalan niya. Akala ko pa naman ay Fire tulad nina Water at Air.
Medyo nagkakaroon na din ako ng ideya sa mga pangalan nila. Kung hindi ako nagkakamali ay konektado ang mga pangalan nila sa mahikang tinataglay nila.

Muli kong binigyan ng sulyap si Water na nakayuko parin dahilan kung bakit mas lalo akong nagtaka. Medyo nawala naman ang galit ni Flame kaya bakit natatakot parin siya? Anong meron sa mga mata ni Flame kaya hindi niya kayang tumingin ng deretso dito?

Dahil sa masyadong akong curious na tao ay tiningnan ko ng deretso sa mga mata si Flame.

"Aray!" napadaing ako nang biglang napaso ang mga mata ko at uminit ang loob nito. Ang sakit sobra. Parang nasusunog ang mga mata ko. Anong nangyayari?

"Ahh!" nataranta na ako nang hindi kuna maimulat ang mga mata ko. Mas lalo lang humahapdi ang mga ito.

"Shit! Hindi mo ba sinabi sakanya na hindi niya ako pwedeng tingnan sa mata Water!" dinig kong malakas na sabi ni Flame.

A-Anong meron? Kaya ba nagkakaganito ang mga mata ko dahil sa tiningnan ko siya sa mga mata?

Hindi ko alam. Wala na akong pakialam dito.

Gusto ko lang mawala ang paghahapdi ng mga mata ko.

"T-Tulong!" malakas kong sabi ng muli kong maramdaman na nasusunog ang mga ito. Oh God.. Ayaw ko na..

"Ohmy! Sorry Ianah. Anong gagawin natin?" dinig kong sabi ni Water at naramdaman ang kamay niyang humawak saakin. "T-Tulungan mo ako Water. N-Nasusunog ang mga mata ko!" naramdaman kong tumulo ang mga luha ko at sobrang init nito.

"Ianah kaya mo bang imulat ang mga mata mo?" alalang tanong sa akin ni Water na dinig ko ang katarantaan ng boses niya.

"H-hindi k-ko kaya..Water a-anong nangyayari? Bakit parang n-nasusunog ang mga m-mata ko?"

"Shit! shit! kailangan ko talagang kontrolin ang mga mata ko." dinig kong sabi ni Flame na natataranta na din.

Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit hindi nila sabihin saakin at bakit ayaw nila akong tulungan? Hindi ba nila alam kung paano ito mawawala?

Godderna's Kingdom (COMPLETED)Where stories live. Discover now