Chapter 2

12.9K 440 6
                                    

Ianah's POV

"Maupo muna kayo." sabi ni lola na kinaupo namin.

Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa loob ng bahay niya. Napakalawak at sobrang ganda ng loob.

"Sino siya Water?" tanong ko kay Water habang nililibot parin ang tingin ko sa loob.

Maganda ang mga desenyong nakadikit sa pader na aakalain mong totoo ngunit isa lang itong pangkaraniwan na gawa.
Ganito ba talaga ang nagagawa ng mahika? Nakakamangha.

"Siya si Ms.Verna ang may kayang basahin ang hinaharap ng isang tao, hayop o ano man. May kakayahan din siyang malaman ang pagkatao ng tao kaya hindi na ako nabigla na agad ka niyang nakilala sa pamamagitan ng isang bagay na meron ka." sagot niya. 

Ang galing naman ng kapangyarihan niya pero kilala na nga ba niya ako?

Napahawak ako sa pulseras na suot ko. Ano nga ba ang koneksyon ng pulseras na meron ako kaya napunta ako dito? Panigurado ang pulseras na sout ko ang bagay na tinutukoy ni Water na nagbigay daan kay Ms.Verna para matukoy kung sino ako.

Hindi ko alam kung anong mayroon sa pulseras na suot ko. Binili ko lang ito kay Lolo kaninang umaga tapos ay kung ano-ano na ang nangyari sa akin. Ang alam ko lang ay nagpapasalamat ako sa bagay na ito kung sakali mang ito nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sa pagdating ko sa mundong ito. Dahil dito ay natuklasan ko ang mundong ito.

"Pasensya na kung natagalan ako." nakangiting sabi ni Ms.Verna habang may dalang trey na pinaglalagyan ng kakaibang inumin.

Hindi naman ganon katanda si Ms.Verna para tawagin kong lola e. Hindi ko naman kasi alam ang itatawag sa kanya kanina nong hindi ko alam ang pangalan niya kaya Lola nalang.

"Nag-abala pa kayo Ms.Verna." sabi ni Water.

"Ang bisita natin ay dapat paghandaan." sabi naman niya kay Water dahilan kung bakit nagtaka ito mapati ako ay nagtaka nadin. Eh?

"Ms.Verna, Olipse juice ang iyong hinandang inumin. Bakit?" takang tanong ni Water habang nakatingin sa juice.

Ngumiti lang saamin si Ms.Verna.

Anong meron sa juice kaya ganito nalang nabigla si Water?

"Karapat dapat na ito ang ihanda ko." sagot niya habang nakangiti saakin.

Napatingin naman saakin si Water habang nanlalaki ang mga mata niya. Okay?? May mali ba sa mukha ko? May nasabi ba ako? Pero kanina pa ako nananahimik dito at sila lang ang nag-uusap hah?

"Wag niyong sabihin na isa siyang-"

"Hindi pa ako sigurado" putol ni Ms.Verna sa sasabihin ni Water.

"Anong ibig niyong sabihin?" tanong naman ni Water.

"Earth" bigkas ni Ms.Verna sa pangalan ng planeta kung saan ako galing.

Anong meron sa planetang Earth?
Pababalikin na ba nila ako?

"D-Don't tell me..."

"Isa siyang earth controller." seryosong sabi ni Ms.Verna dahilan kung bakit napanganga si Water.

Sumobra naman yata ang reaksyon niya.
Ano ba ang meron sa earth? Oo galing ako sa earth pero parang hindi naman ang planeta ang tinutukoy nila.


"Hindi ako sigurado kung siya ang Behr o ang.." pabitin na sabi ni Ms.Verna.

Behr? Ano yon?
Sila lang yata ang nagkakaintindihan kaya bakit nandito pa ako?
Kung gusto nila akong pabalikin ay gagawin ko naman e.

Godderna's Kingdom (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt