Chapter 50: Kurt & Yumi

Magsimula sa umpisa
                                    

Gustong kong umiyak habang kinakanta iyan ni Paolo. Tinamaan talaga kasi ako sa lyrics. Parang ginawa lang talaga para sa amin ni Kurt. Lahat ng kailangan ko ngayon, nasa mga mata ni Kurt. Siya lang ang nakikita ng mga mata ko..Siya lang ang hinahanap ko..Siya lang kailangan ko..Siya lang ang tinitibok ng puso ko..

♫ When you smile I can feel

   All my passion unfolding

   Your hand brushes mine

   And a thousand sensations

   Seduce me 'cause I.. ♫

Nagflashback lahat ng mga pinagdaanan namin ni Kurt..Simula nong una kaming nagkita sa ospital..Tinulungan niya kami ni Dad..tapos nagkita kami ulit at naging mag fiance ko siya..Kinasal kami dahil sa kontrata..

♫ I do cherish you

   For the rest of my life

   You don't have to think twice

   I will love you still

   From the depths of my soul

   It's beyond my control

   I've waited so long to say this to you

   If you're asking do I love you this much

   I do ♫

Hindi namin namalayan na unti unti na palang nahulog ang loob namin sa isa't-isa..Kung hindi lang talaga dahil don sa pagkawala ko sa gubat, baka hindi pa kami nagka-aminan hanggang ngayon..Nagpropose sa'kin si Kurt..Wala talaga akong ideya na ganun iyong gagawin niya..Muntik pa ngang hindi matuloy iyon dahil sa katangahan ko...

♫ In my world, before you

   I lived outside my emotions

   Didn't know where I was going

   'Til that day I found you

   How you opened my life

   To a new paradise

   In a world torn by change

   Still with all of my heart

   'Til my dying day ♫

Si Kurt ang nagbigay-kulay sa madilim kong mundo. Siya ang naging sandigan ko sa panahon na kailangan ko ng karamay. Ngayon, hindi na ako natatakot harapin ang kung ano mang pagsubok ang dumating kasi alam ko, kasama ko si Kurt na harapin kung ano man iyon..

Mahal na mahal kita Kurt..

"Ang ganda mo.." sabi niya at inabot iyong mga kamay ko..

Kasama ko na ngayon ang taong pinakamamahal ko at nagsimula nadin ang seremonya ng kasal namin.

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon