CHAPTER 21

23.3K 585 42
                                    


Abby POV:

"Abby bat hindi kana pumapasok?" kausap ko ngayon sa telepono ito. Patago lamang at baka mahuli ako ng mama ni Luke. Oo patago dahil isa na akong katulong ngayon sa mansion na to. Mag iisang buwan ng nakaratay si Don Facundo ang Ama ni Luke dahil na Comatose ito.

Dalawang buwan o mahigit pa wala paring balita kay Luke. Umaasa padin akong buhay pa ito kahit na patay na siya para sa mga taong narito sa mansion.

"Oy Ano bakit hindi ka makasagot jan?" Tanong ni Mindy.

"Mindy alam mo namang wala padin si Luke diba? Hinahanap ko padin siya. Bahala na kung bumagsak ako hahanapin ko padin siya." Totoo naman kasi ang sinasabi ko kung wala lang ang ina ni Luke ay sumama na ako sa paghahanap dito.

"Abby tingin mo ba magugustuhan ni Luke yan kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang pag aaral mo? Look alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo pero Abby sana naman para kay Luke pumasok kana." Mahabang sabi nito.


Hay Mindy kung alam mo lang, kung alam mo lang na doble pahirap at pasakit pa sakin ang nararanasan ko ngayon. Ang ikinasasama lang ng loob ko bakit ang mama pa ni Luke ang gumagawa sakin nito? Ano bang atraso ko naging mabait at totoo naman ako dito.



"Alam mo Mindy next time nalang tayo mag usap ha sige na bye."

"Abby teka lang-"

Pinutol ko na ang tawag na yun at nagsimula na akong maglinis.

Kuskus dito, kuskos doon. Walis dito, Walis doon. Yun nalamang ang lagi kong ginagawa. Nakakapagod man ay hindi ako pwedeng maginarte.


Alam kong buhay kapa Luke at magtitiis ako para masilayan kang muli.


********

Stela POV:

Maaga palang ay sinasamahan na ako ni Zeth papunta sa kabilang ibayo. Dito kasi ako nagtuturo sa mga batang walang pera pantustos sa pag aaral nila.


Dalawang mahigit na siya dito kapiling namin at nagdarasal akong sana pang habang buhay na to.

"Zeth? Okay ka lang? Ang tahimik mo." Hay di kapa nasanay Stela palagi namang tahimik yan.



"Mag kwento ka naman." Ayy ang tanga talaga bat ako nagtatanong eh wala nga siyang maalala.



"Abby." Sabi nito.



"Sinong Abby?" Tanong ko.



Tumigil ulit ito sa paglalakad at may iniisip na malalim.



"Uyy Zeth sinong Abby?" pangungulit ko.



"Hindi ko alam. Ang sakit ng ulo ko." Napaupo ito sa damuhan at napahawak ang mga kamay sa ulo niya habang nakapikit ito at iniinda ang sakit.



"Okay ka lang? Nag aalala na ako sayo." Hinawakan ko siya at niyakap. Ayokong mawala ka sakin Zeth.



"Wag mo akong hawakan!" Itinulak niya ako.



"Bakit ba ang sungit mo Zeth? Nagmamalasakit lang ako sayo."



"Hindi umimik ito at may iniisip nanaman."



"Zeth?" tawag ko sakanya. Lumapit ako dito at niyakap siya.



"Sana dito ka nalang." Aaminin kong mahal ko na siya at wala akong pakialam kung may asawa siya. Handa akong tanggapin ang lahat kahit maging pangalawa lang sa buhay niya.




"Stela." Tawag niya sa pangalan ko.


Nag angat ako ng tingin sakanya. At sa tagpong to ay magkatitigan na kami.



"Sorry kung lagi kitang nasusungitan. Mukhang hindi na magbabalik ang ala-ala ko. Nakalalungkot lang isipin kung may pamilya ba ako. Hinahanap ba nila ako?" Malungkot ang mga mata nito.



Hinawakan ko ang mukha niya.



"Zeth okay lang kahit hindi mo na maalala. Narito kami. Kami na ang pamilya mo. Ako Zeth, mahal kita Zeth."




Sawakas ay naamin ko din sakanya ang tunay kong nararamdaman.



Ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto ko siyang halikan. Wala akong pakialam kahit na babae pa ako.




Pero pinigilan niya ako.



"I'm sorry. I don't feel the same way you do about me."




Tumayo na to at nakaupo lang ako. Isang malaking sampal sakin at isang malaking kakahiyan.



"Mag hihintay ako Zeth." Sabi ko at pilit na pinapasaya ang sarili.



Tumingin lamang sakin to ay nagsimula ng maglakad muli.

Seducing Mr. Esteban ✔Where stories live. Discover now