CHAPTER 11

31.2K 813 16
                                    


Abby's POV:

"Abby hindi mo man lang sinabi na super hot at gwapo ng fiance mo." Kinikilig na sabi sakin ni Mindy. Palagi nalang yun at yun ang tinatanong nito hindi ata nakamoveon.





"Oo nga at may ari pa mismo ng paaralang to grabe kana Abby ah anong pinakain mo dun at mukhang patay na patay sayo ang mestizo na yun?" Sabi naman ni Vince.





"Hoy tigilan niyo na ako ah. Yan nalang ba ang paguusapan natin?  Tignan niyo oh pinagtitinginan na ako ng mga tao dito lalo na ang mga kababaihan dito." Sabi ko.





"Hay nako inggit lang sayo yan girl tignan mo naman ang ganda at appeal mo noh walang sinabi mga yan." Sabi ni Vince. Hay nako bakla talaga.






"Hi Abby lunch kana? Tara sabay kana samin." Biglang sabi ni Lindsay siya ang sikat na sikat na buong university na to kasama niya ang tatlo niyang mga alagad na si Diane, Isa, at Rita. Hindi ko gusto ang mga to kahit na sabihin mong maganda ang pinapakita nila sakin.






"Oo kaso kasama ko ang mga kaibigan ko e sakanila nalang ako sasabay." Sabi ko.






"Yuck sumasama ka sa mga yan? OMG samin kana sumabay sikat kami at sisikat kapa." Sabi ni Diane. Tumingin naman ng masama si Lindsay dito para senyasan at tumahimik ito.






"Uy Abby wag mong pansinin si Diane, okay lang naman isama mo mga friends mo samin masaya nga yon e magkakakilala na tayo." Masayang sabi ni Lindsay. Sa kabila ng napakaganda niyang mukha ay hindi ko alam kung bakit hindi ako panatag na kasama siya.






Tumingin muna ako Kila Mindy at Vince. Ang dalawa ay masama na ang tingin kila Lindsay.





"Ah nako Lindsay next time nalang kasi may gagawin pa kami eh."







"Sige na Abby please sandali lang naman eh please." Pangungulit nito. Tumingin muna ako saglit kina Mindy.






"Ano friend okay lang ba? Sandali lang naman daw e." bulong ko kay Mindy.





Alam kong napilitan man ay pumayag naman sila na dahilan ng kagalakan ni Lindsay.





"Oo nga pala Say nalang ang itawag mo sakin ha close na kasi tayo eh." Sabi nito habang kumakain kami. What? Close agad agad?






Tahimik lamang kumain ang mga kasama namin habang nagsasalita si Say.






"Abby hindi ako nainform ha ang gwapo naman pala ng fiance mo at may ari pa mismo nitong University." Sabi ni Say.





Nagkatinginan na muna kami ni Mindy at alam ko ang ipinaparating sakin non. Parang sinasabi ng kaibigan kong bantayan ko ng mabuti si Luke dahil marami akong makakaagaw dito. Pero panatag naman ang loob ko dahil alam kong mahal talaga ako ni Luke.






"Saan nga pala kayo nagkakilala?"
Tanong muli ni Say.





"Ah eh matagal ko na siyang kilala. Ahm basta niligtas niya kasi ang buhay ko noong bata pa ako." Sinabi ko naman ang totoo.






"Wow! Nakakaamazed naman yon tagal na pala. Ang swerte mo Abby hehe."






"Salamat Say. Ikaw din naman maswerte ka at napakaganda mo." Sabi ko.






"Nako maliit na bagay pero salamat nadin haha."





Nagtaas na lamang ng kilay si Mindy na halatang ayaw kay Lindsay Santos. Mabait naman ito yun nga lang at ngayon ko lamang nakausap ang sikat na sikat na si Lindsay.






Maya maya pa ay dumating ang grupo nina Alexis ngunit hindi to tumitingin samin halata na iniiwasan kami nito. Mabuti nalang at hindi na siya nanggugulo pa.





"Ahm Abby birthday ko na pala this Saturday punta ka ha sama mo nadin mga friends mo at pati yung Fiance mo." Sabi ni Lindsay.






Tumingin muli ako kay Mindy habang si Vince ay Kain Lang ng Kain.





Sa mukha nito ay ayaw niyang sumama ngunit nangulit nanaman si Lindsay.






"Please Abby punta kayo. Ika 21st birthday ko na yon eh. Isama mo nadin ang Fiance mo ha."






"Ah e sige pupunta kami nila Mindy. Pero hindi ko lang sigurado kay Luke kasi busy talaga yun eh."





Halata ang pagkadismaya ni Lindsay ngunit ngumiti muli ito at nagpatuloy.






"Okay lang basta pumunta ka ha." Sabi nito. Ngumiti nalang ako at tumango.






"oh pano aalis na kami may class pa kasi kami see you Abby!" yun nalang ang sinabi ni Say at umalis na sila.





"Bakit ka naman pumayag? Hindi pa nga ako Umoo." Sabi ni Mindy.





"Mukha namang mabait si Say." Sabi ni Vince.





"Bakit? Close ba kayo at Say nalang ngayon ang tawag mo?" Sabi ni Mindy.







"Guys wag na kayong magtalo nakaoo na kasi ako eh please sumama na tayo."






"Game ako Jan girl." Excited na sabi ni Vince.






"Hay ano pabang magagawa ko? Basta wag mo ng isama ang asawa mo baka mamaya niyan ahasin lang ni Lindsay yon." Sabi ni Mindy.






"Haha ikaw talaga Mindy ang dami mong alam." Sabi ko.





"Nako Abby tanga ka talaga haha di paba halata puros halos same fiance mo lang yung tinatanong niya. Ay nako girl bantayan mo si Tisoy nako mahirap na. Ikaw naman kasi ang hilig mo sa sobrang gwapo e okay na Sana kung gwapo lang." Sabi ni Mindy.






Napatawa na lamang ako dito.





Maya maya ay nag vibrate ang phone ko.





"Busy ka? I will fetch you later okay?" Si Luke ang nagtxt. Halos palagi na niya akong sinusundo kapag uwian na.





"Oyy bat ka ngumingiti Jan? Si Luke pogi ba yan?" Tanong ni Mindy.






"Oo e susunduin ako mamaya. Hehe" Sabi ko.






"Sus kinikilig ka nanaman." Hindi ko na pinansin yon at nagreply na ako.






"Sige hintayin kita :)" With smiling face pa.






"Okay. Study hard. No boyfriends allowed, I love you."





No boyfriends means kaibigang lalaki sakanya hay si Luke ang possessive at seloso din pero aaminin ko kinilig ako.






"Opo Mr. Esteban. I love you too." reply ko.






Hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit busy siya ay nakakapagtext siya sakin para kamustahin at mag I love you.






Hay Luke Hindi na Tuloy ako makapagconcentrate neto.

Seducing Mr. Esteban ✔Where stories live. Discover now