Test

248 2 0
                                    

"Laging nasa huli ang pagsisisi."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Marscha's POV

"Ready ka na ba babe?" sabi ni Blue. Two-year boyfriend ko.

"Uhm, yea. Ready na ko. Nakaligo na din ako." sagot ko sa kanya sa phone.

"Talaga ba? Mukhang pinaghahandaan mo talaga to'ng araw na to ah. Uyyyy! Excited ka noh?" wika nito na may bahid ng pang-aasar sa boses.

"Kahit naman sabihin kong hindi, hindi ka din maniniwala kaya oo nalang." wika ko.

"Hay. Ano pa nga bang aasahan ko sayo? Lagi ka namang basag trip. Pero just want you to know na kahit mapang-asar ka, mahal na mahal kita. Hindi magbabago yun." halatang seryoso ang pagkakasabi niya nito.

"Oo na! Corny mo. Sige na mag-aayos pa ako." pagpapaalam ko.

"Sungit mo naman babe. I love youuuuuu!" ayan na naman siya. Napakacheesy.

"Oo na. Bye na." tugon ko sa kanya.

"Teka lang babe! Asan yung I love you t---" bago pa niya tapusin ang sasabihin niya ay pinutol ko na ang linyang nagkokonekta sa amin.

May date kasi kami ngayon. Pinilit niya akong makipagdate dahil anniversary namin ngayon. Take note, sa mamahaling resto pa ang venue. Kakaiba talaga to si Alec sa lahat ng mga naging boyfriend ko. Kahit na i-dump ko siya, hindi siya pumapalag. Minsan nga kinoconsider niya daw yung mga pambabasag ko sa kanya as paglalambing. Abnormal noh?

Pumara na ako ng taxi para mabilis akong makapunta sa venue. Actually, maaga pa nga ng 30 minutes ang pagpunta ko kaysa sa napagusapang oras. Mas okay na din 'to para mas maaga akong makauwi.

Pagdating ko sa resto ay hindi ko inaasahang mas nauna pa siya sa akin. Akala ko pinareserve niya yun ng maaga? Eh bakit nandito agad siya?

"Hi babe. Happy anniversary." bati niya sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi. Iniabot niya din sa akin ang isang bouquet ng rosas.

"Thank you. Happy anniversary din." nginitian ko siya ng nakatingin sa mata.

Ginabayan niya ako papunta sa upuan ko. Napakagentleman niya. Naiinis ako. Ako kasi yung tipo ng babaeng kumikilos mag-isa. Wala na kasi akong mga magulang and I live on my own for almost 10 years.

Fourteen years old lang ako nung namatay ang parents ko dahil sa aksidente. After mangyari yun ay kinupkop ako ng tita ko dahil masyado pa akong bata para mamuhay mag-isa. Mayroon kasing magandang naipundar sila mom at dad para sa future ko kaya kahit wala na sila sa mundo, hindi ako maghihirap.

Ako ang nagdecide na humiwalay na kay tita nung nag 18 ako. Kahit naman kasi kasama nila ako sa bahay nila, natuto pa rin akong wakliin ang problema ko na sarili ko lang din ang gumawa ng paraan kaya hindi na ako mahihirapang mamuhay mag-isa.

"You look so serious babe, anong iniisip mo?" nabalik ang atensyon ko kay Alec na ngayon ay nakaupo na din sa silya niya.

"Wala naman. Nasusuya lang ako sa pagiging masyadong gentleman mo." seryosong sabi ko.

"Alam mo naman na mahal na mahal kita babe at isa yun sa mga paraan para maipakita ko sayong mahal na mahal kita." seryosong sabi niya din sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng konting guilt. Haist. Bakit ko pa kasi sinira yung mood.

"I'm sorry. Hindi lang talaga ako sanay." sabi ko na lang. "So, tara kain na tayo?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Yeah. Sure babe, anything for you." nakangiting sabi niya.

Shot Ka Muna!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon