Write The Saddest Lines

Start from the beginning
                                        

Ngayon lang niya nakita ang letrang 'yon. Hindi niya maipaliwanag pero nahihiwagaan siya rito. Maingat niyang nilapitan ang letra. Ayaw niyang matakot ito sa kanya at umalis bigla.

Bakit? Walang takot na tanong sa kanya ng letra. Mas namangha siya, matapang pala ito.

Anong pangalan mo?

Lumayo nang kaunti ang letra kay A. Alam ko ang pakay mo. Sa tingin ko.. ako ang hinahanap mo.

Napangiti siya sa pinakitang katapangan nito. Hindi siya katulad ng iba na nayayabangan agad sa kanya. Talaga? Paano ka naman nakakasigurado?

Kasi alam kong ako ang dahilan kung bakit ginawa ng manunulat ang salitang 'yan.

Sino ka ba?

Nginitian siya nito.

Ako si Z.

---

Tama nga si Z, para sa kanya nga ang salitang ginagawa ng manunulat. Ito ang pinakamagandang salita na ginawa ng manunulat sa lahat. Magkahalong saya, lungkot at sakit ang dulot nito sa mga mambabasa. Dinala ng kwento ni Z ang salita. Saktong-sakto ito sa kanya.

May ilang letra ang nagalit kay Z, kesyo bakit daw siya ang pinili ng manunulat para sa pinakamagandang salita sa mundo. Parang kailan lang ay hindi siya kilala ng tao, tapos ngayon siya na ang paborito. Pinabayaan na lang ni Z ang mga masasamang sinasabi ng iba at nagpatuloy sa kanyang buhay. Wala rin naman siyang mapapala kung papatulan niya ang mga ito.

Si A lang ang tuwang-tuwa kay Z. Araw-araw niyang binibisita ito sa lugar nito para mangamusta o mangulit. Gusto man niyang pigilan ang sarili pero hindi niya magawa. May kung anong bagay na kakaiba kay Z na wala sa ibang letra. Simpleng pag-uusap lang nila ay tuwang-tuwa na siya. Hindi nga nakukumpleto ang araw niya kapag hindi niya nakakausap si Z.

Maging ang manunulat ay masaya sa namuong pagkakaibigan nina A at Z. Ginamit niya ang dalawa sa iba't ibang salita, at gaya ng sabi ng karamihan, bagay silang dalawa.

---                                                                                                                                  

Di kalaunan ay nagselos ang mga kaibigang letra ni A kay Z. Sinubukan ni A na kausapin ang mga kaibigan ngunit nagkibit-balikat lamang sila. Masyado ka nang naaaliw sa kanya, A, nambibintang na sabi ni E, Kinalimutan mo na kaming mga kaibigan mo. Akala naming hindi ka ganyan.

Pinagtanggol ni A ang pagkakaibigan nila ni Z. Hindi naman namin kasalanan na bumabagay sa'ming dalawa ang mga salitang ginagawa ng manunulat!

Bahala ka na, A. Kung diyan ka masaya.. wala na kaming magagawa. Pero sana.. hindi mo kami kalimutan.

---

Hindi niya kayang magsinungaling kay Z. Kahit alam niyang masasaktan ito, sinabi pa rin niya ang totoo.

Kalmadong tinanggap ni Z ang sinabi ni A. Mali ba 'tong ginagawa natin? Inosente niyang tanong. Ayokong may masaktan. Gusto ko lang namang maging parte ng mga salita. Gusto ko.. kasama ka.

Ako rin naman. Kaso..

Mas importante sila kaysa sa'kin. Walang halong pagtatampo sa boses ni Z. Sinasabi lang niya ang totoo.

Wag mong sabihin yan. Importante ka rin naman sa'kin.

Ngayon lang nakaramdam ng ganitong sakit si Z. Dati, noong siya lang mag-isa, wala siyang nararamdamang ganito. Kuntento lang siya na nagmamasid sa ibang letra. Madalas niyang marinig si A, at minsang pumasok sa isip niya paano kaya kung makausap ko siya?

The Spaces In BetweenWhere stories live. Discover now