Kabanata 16

21.7K 390 36
                                    

My Everything

Ala una na kaming natapos ni Kayla sa panunuod ng pelikula. Pipikit-pikit na sya habang paakyat kami. Antok na antok na ako pero hinintay ko pang matapos nya yung pangatlong pelikulang gusto nya.

Pagod na binagsak ko ang katawan ko ang sa kama dahil na rin sa pamimigat ng mata ko. I'm so sleepy.

"Best, pagamit ako ng shower." Paalam nya sa akin. Bumangon ako at kinuha yung mga damit sa kama at inabot sa kanya. "gamitin mo na tong mga damit ko."

"Thanks." Kinuha nya ang mga iyon at pumasok na sa banyo. Hihiga na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Kayden:

Still awake?

Ngumuso muna ako bago nagtipa. Gising pa pala sya.

Ako:

Yup. Bakit gising ka pa?

Mabilis syang nagreply.

Kayden:

I'm waiting for you.

Naglaho bigla ang antok ko ng mabasa ang reply nya. Hindi ko alam kung bakit namumula ako twing nanggagaling sa kanya ang ganitong mga salita. This is not his style.

Ako:

Matulog ka na =)

Hindi ko alam kung ano ang i-rereply ko sa kanya. Nagwawala ang puso ko sa di malamang dahilan. Ganito ba pag mahal mo ang katext mo? Kahit simpleng salita, nagiging espesyal para sa'yo.

Kayden:

Come here. I missed you.

Halos itapon ko ang phone ko dahil sa reply nya. Dammit! Gusto kung sumigaw pero baka magising ko ang mga tao sa bahay.

Ako:

I can't. Kayla's here. Baka hanapin nya ako.

Nag-angat ako ng tingin sa ngayon ay nakatayong si Kayla sa harap ko. Pinapatuyo nya ang buhok nya gamit ang towel.

"Antok na antok na ako, best." Humikab sya at agad na lumusong sa kama. Nagtalukbong sya ng kumot at pipikit-pikit ng tumingin sa akin. "Balak ko sanang magkwentuhan tayo buong magdamag, kaya lang parang hindi ko na kaya..." Unti-unting humina ang boses nya tanda ng sobrang antok.

"Sige na. matulog ka na." Inayos ko ang kumot nya. Ungol nalang ang naisagot nya at ilang sandali pa ay malalalim na ang hininga nya tanda ng nasa malalim na ang tulog nya.

Umayos ako ng upo at ni-check ang text ni kayden sa phone ko.

Kayden:

Sneak out. Don't worry about that brat.

Kinakabahang nagtipa ako sa phone ko. I'm going to sneak out just to see him.

Ako:

Fine. Pupunta ako pero sandali lang.

Tumayo ako at marahang naglakad sa pinto. Liningon ko sandali si Kayla na nasa mahimbing na tulog. Pag nagising sya, siguradong hahanapin nya ako. Pumikit ako at marahang pinihit ang sedura. Para akong tatakas na criminal dahil sa sobrang pag-iingat ko na baka makagawa ako ng ingay. Walang ingay kong tinahak ang guestroom na nasa dulo. Ito ang pina occupy na room nila mommy sa kanya.

Kagat-kagat ko ang labi ko habang binubuksan ang sedura ng pinto. Bumungad sa akin ang madilim na kwarto. Naaninag ko ang mukha ni Kayden dahil sa ilaw na nanggagaling sa screen ng phone nya. Nakasandal sya sa headboard ng kama. Nagulat ako ng bigla nyang pailawin ang bed lamp sa tabi nya. Siguro ay narinig nya ang pagtunog ng pinto ng isara ko ito.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon