Kabanata 11

16.6K 320 24
                                    

Hate me

Hindi ko alam kung bakit ko sinunod ang sinabi ni Kayden sa akin na iwasan sya. Kahit pagsulyap sa kanya ay pinipigilan ko. Siguro nga ito na rin ang tama. I must avoid the bad boy. Kasi kung hindi ko gagawin yun, baka tuluyan ng masira ang sarili ko. Kasi baka tuluyan na akong malunod at hindi na maka ahon pa.

Laging si Kayla ang kasama ko twing lunch break. Pati ang barkada ni Kayden ay minsan ko nalang din makita. Hindi na rin sila sumasabay sa amin sa pagkain. Nagkikita-kita lang kami twing klase. Siguro pinagsabihan na rin sila ni Kayden na iwasan ako. At aaminin ko na nasasaktan ako sa sitwasyon na ito. Para ko na ring tino-torture ang sarili ko dahil twing nasa klase kami ay ilang beses kung pinigilan ang sarili ko para lang wag syang lingunin.

Minsan ay nasusulyapan ko sya pag tinatawag ako ni Josh o Rafael. May pagkakataon ako para titigan sya. I miss him. Kasi kahit nagkikita kami, parang ang layo parin ng agwat naming dalawa.

"May problema ba?" Kunot-noong tanong sa akin ni Kayla na ngayon ay nakatunghay sa akin. Kanina pa pala ako nakatulala.

"Ha? W-wala. Ayos lang ako." Niyuko ko ang notebook ko. mabuti nalang at wala pa kaming teacher.

"Sigurado ka?" Sumingkit ang mga mata nya sa akin. "O-oo naman." Bahagya akong ngumisi sa kanya. "You look pale, besty. Teka, anong nangyari dyan?"

Tinuro nya ang sulok ng ibabang labi ko. Hinaplos ko yun at tila bumalik sa akin ang alaala nung nakaraang araw sa rooftop. Uminit ang pisngi ko dahil yung nakagat ni Kayden ang tinutukoy nya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Kayla pag nalaman nya ang totoo.

"A-ah. Wala 'to. Nagka allergy ako sa isang kinain ko kaya nagkasugat ako." Pagsisinungaling ko. "Akala ko naman may kumagat dyan." Humalakhak sya.

Napapikit ako sa sinabi nya. It's true! Pero wala akong balak sabihin sa kanya yun dahil mas magiging delikado ang buhay ko pag nalaman yun ng lahat. Isa pa, wala naman yun. Isang pagkakamali lang yun. Siguro nadala kami pareho kaya nagkaganoon. Sigurado ko naman na hindi nya ako gustong halikan. Ako lang talaga yung naglakas loob na gawin yun. It's probably not a big deal for him.

"K-Kayden." Narinig kung sabi ng boses sa likod ko. Nanginginig yun at parang natatakot.

Ng lingunin namin yun ni Kayla ay halos malaglag ang panga ko. Nakatayo sa gilid ni Kayden ang isang kaklase ko. May hawak syang malaking box ng cake. Nakayukong inabot nya yun sa tamad na nakaupong si Kayden.

"P-para sa'yo 'to." Nahihiyang sabi nya.

"Poor girl. Hindi nya alam ang ginagawa nya. It's a deathwish." Pumalatak si Kayla na parang isang napakalaking pagkakamali ang ginawa ng aming kaklase. Nakatunghay sa kanya ang buong klase habang hinihintay ang susunod na galaw ni Kayden.

Kitang-kita ko ang relief at saya sa mukha nya ng abutin yun ni Kayden sa kanya. Ang akala namin ay tatanggapin nya yun ng maayos pero napasinghap ako ng walang sabing binagsak nya yun sa desk ni Josh.

"Kainin mo yan, Josh. Ubusin mo at wag na wag kang magtitira." Malamig na utos nya sa ngayon ay nakabusangot na si Josh.

Nilingon ko yung babae na ngayon ay naiiyak sa kinatatayuan nya. Kawawa naman sya. Hindi nya alam na isang halimaw ang kaharap nya.

"At pag hindi ko naubos?" Baling ni Josh sa kanya. "Then smash it on her face. Real hard." Iritadong sabi nya bago umayos ng upo. Agad naman akong napa harap ng minsang nagtama ang mata namin. He's really harsh.

May mga nagtatawanang kaklase ko na parang ang saya nila sa ginawa ni Kayden. Kaya imbes na maawa sa babae ay mas kinantyawan pa nila ito.

"Can we finish this, Raf? Ang laki e." Problemadong tanong ni Josh kay Rafael. So pag hinid nila yun naubus ay talagang isasampal nila yun sa pagmumukha nung babae?!

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon