Kabanata 5

19.6K 402 23
                                    

Nagselos

Para akong nangangapa ng salita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang tinatanggap ang paninitig ng mga pinsan ko. Pero bakit ba hindi ko nalang sabihin ang totoo? Dahil ba natatakot ako na tratuhin nila ako tulad ng dati? O dahil gusto ko lang na tanggapin nila ako kabilang sa kanila?

"Xherry? Nak?" Nagtatakang lumapit si mommy sa tabi ko. pinasadahan nya ng tingin ang mga pinsan kong naghihintay sa mangyayari.

"Rica, hija. Why did you— Oh, so nagkita na pala kayo?" Lumipat ang tingin ng mga pinsan ko kay Tita Marissa na nakatayo sa tabi ni Mommy. Humalakhak ito at bumaling sa amin ni Kayden.

Naramdaman ko ang paghawak ni mommy sa kamay ko. mahigpit nya itong hinawakan kaya nag-angat ako sa kanya ng tingin. Tumango sya sa akin. Alam kung binibigyan nya ako ng lakas ng loob.

Nag-angat ako ng tingin kay Kayden na ngayon ay naka igting ang mga panga. He's freaking mad at alam kung isang kalabit lang sa kanya ngayon ay sasabog na sya.

"I don't know what's happening between you two. May hindi ba kami alam, Xherry?" Sumingkit ang mga mata ni Vanessa. Mariin akong pumikit.

Naramdaman ko ulit ang pagpisil ni mommy sa kamay ko. she's urging me to speak. Pero hindi ko magawa kasi natatakot akong magsalita. I'm not brave enough.

Pero tama sya. hindi sa lahat ng oras lagi akong duwag. I'm not doing anything wrong. Sasabihin ko lang sa kanila ang totoo. Kung bakit ba kasi wala silang alam man lang. They shoud watch some news you know.

Fine. I'll say it. Sasabihin ko na para matapos na. kung magagalit sila sa akin, wala na akong magagawa. Isa pa, galit naman sila talaga sa akin. ayaw nila sa akin at sa tingin ko ay hindi nay un magbabago kahit ano pa ang sabihin ko.

Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Kayden sa tabi ko.

"I'm her fiancé." Malamig nyang sabi sa medyo mahinang boses. Pero alam kung dinig na dinig nila yun dahil sa mga nakikitang kung pagkalaglag ng mga panga nila. Sandaling tumahimik at halos marinig ko na ang huni ng mga kuliglig sa paligid.

"y-your what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rica na tila ngayon lang nahimasmasan sa sinabi ko. Lahat sila ay nakatulala at parang nag-pause ang paligid.

"He's telling the truth. They are getting married." Sabi ni mommy na nakatingin sa tulalang si Tita Marissa.

"I knew it." Pumalatak si Boyle na nakipag apir pa kay Jasper. Ngumisi sila sa mga pinsan ko na parang nakaisa sila.

"You knew all about it, Boyle?" Iritadong tanong ni Vanessa sa kanya pero sa akin sya nakatingin.

Nagkibit balikat naman si Boyle at ngumisi sa amin. "It's all in the news, girls. Minsan naman, iwan nyo muna ang social life nyo para kahit papaano ay may alam pa kayo sa nangyayari sa paligid natin."

Nakita kung umangat ang isang kilay ni Rica sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya dahil ayokong mas lumaki pa ang gulo. Marami na din sa mga bisita ang nakatingin sa mesa namin.

"Umuwi na tayo." Biglang sabi ni Kayden na agad akong hinila palayo sa mga pinsan ko.

Pati si mama ay walang nagawa kundi sumunod sa amin.

Agad nya akong binitawan pagdating namin sa parking lot kung saan nakaparada ang Van. Pumasok sya agad doon samantalang ako naman ay nanatiling nakatayo doon.

"Nak, ano ba ang nangyari?" Tanong sa akin ni mama na nasa likod ko. suminghap muna ako bago humarap sa kanya.

"Hindi pala nila alam ang nangyari sa atin, My." Ngumiti ako ng may halong pait.

When Forever Starts With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon