Nag-angat ng tingin si Steve bago hinawakan ang aking mga kamay. He sighed a lot of times at hindi makagawang tumitig ng deretso sa mga mata ko. Titingin siya pero iiwas muli, bahagya rin na nakabukas ang kanyang mga labi.

"Delilah..."

"Tell me."

"Yes. Lahat ng sinabi niya, its real. Its all real, Delilah. I like you... so much."

Hinigit ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. I took a step back shook my head. "U-Uuwi na muna ako..."

"Lilah!"

Sakto naman na may dumaang jeep kaya naman doon na agad ako sumakay. My hands are trembling nang humawak ako sa hawakan ng jeep para makakuha ng suporta, I'm nervous! Napaupo ako sa bukana bago huminga nang malalim, hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses ni Steve hanggang sa naging malayo na ito at mahina.

Nakaalis na ako.

Pumasok na naman sa isip ko ang mukha ni Sunshine habang naririnig niya ang sinasabi ng Kuya ni Steve. Pain was written all over her face pati na ang pagka-gulat sa mga nalaman niya. Kahit ako ay nagulat, ni minsan ay hindi ko naisip na posible pa lang mangyari ang mga 'yon.

Now it's true, huh? A boy and a girl can never be just friends.

Kumunot ang aking noo bago ako napahilot sa sentido ko. This is too much for today! Bakit andoon si Samson at Ingrid? Bakit nandoon sila at kasama si Simon? Simon know them? Kailan pa? At bakit kailangan niyang dalhin ang dalawang 'yon?

"Shit..." bulong ko nang maramdamang mag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis ko 'yong kinuha at nakita ang pangalan ni Steve na lumitaw sa screen. He's calling me!

Ni-reject ko ang call at pinatay ang cellphone ko. Ayokong kausapin ang kahit sino sa kanila ngayon. Kahit si Steve at lalong-lalo na ang Kuya niya.

Noong una, akala ko ay nagbi-biro lamang ang lalakeng 'yon. Its in his looks! Na para bang happy go lucky at walang problema sa buhay, unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam ko ng maloko at mapag-biro siyang kasama and I was right! Ako ang napagdiskitahan!

And he was the one who made the move for his brother. Mukhang napaamin tuloy sa akin si Steve ng wala sa oras.

Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong agad ako ni Papa na nakaupo lang sa harapan ng bahay at parang may malalim na iniisip. Tinawag pa nga niya ako pero ang tanging ginawa ko lang ay ang batiin at halikan siya sa pisngi.

"Mommy!"

Nakuha ni Lance ang atensyon ko. Tumigil ako sa aking paglalakad at mabilis siyang binuhat kahit na siya'y mabigat na. My son is really growing up, growing fast!

"Yes, baby?" I tried to sound okay at sana naman ay ganoon ang kinalabasan ng boses ko.

Lance stared at me carefully. Para bang ino-obserbahan niya ang aking mukha. I smiled a bit and kissed him on his forehead bago niya ipinulupot ang kanyang maliliit na braso sa aking leeg.

"Mommy, are you alright?" tanong niya pa sa'kin bago hinaplos ang aking buhok.

I quietly nodded and kissed him on his hair. Mas lalong humigpit ang yakap sa'kin ni Lance saka siya nag-hum ng isang kanta. Kumunot ang aking noo pero kasabay non ay ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. My son is singing for me.

"Mommy, para ka pong hindi okay e..." ani Lance bago tinanggal ang ilang hibla ng buhok na tinatakpan ang kalahati ng aking mukha.

"I'm okay, Lance. H'wag kang mag-alala kay mommy..." Halos pabulong ko nang sabi at tumitig sa kanyang mga mata para lamang tuluyan siyang maniwala.

Why Samson Loved DelilahWhere stories live. Discover now