"Malakas naman ako sa alak at hindi ako madaling malasing. You don't need to worry about me, Lilah..."

And I realized na hindi naman pala lasing na Samson ang kausap ko. Biglaan tuloy pumasok sa isip ko ang pag-haplos ko sa mga pisngi niya kanina, nakakahiya. Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga bago hinawi ang aking mahabang buhok.

"I-I'm not worried about you..." pag-tanggi ko patungkol sa kanyang sinabi.

"Uh huh..." he nodded pero kitang kita naman sa mukha niya na hindi siya naniniwala. He was actually smirking, being sarcastic.

Nagsalubong ang mga kilay ko, "It's the truth! Hindi naman talaga ako nag-aalala sa'yo..."

He shrugged his shoulders and smirked at me, "Talaga, Lilah? Then pigs can fly."

Sinimangutan ko na lamang siya at hindi sumagot. Bumalik ang lalakeng tumulong sa'kin kanina.

"Miss, ikaw? Mukhang kaya na namang bumalik ng lalakeng 'yan sa kotse niya. Ako na ang maghahatid sa'yo..." mabilis na sabi nung lalake habang malagkit na nakatingin sa'kin.

Magsasalita sana ako pero nagsalita na naman siya. "Tara na miss, may kotse ka ba? Ako na ang magmamaneho..." hahawakan niya na sana ako pero agad na tinabig ni Samson ang kanyang kanay.

"Ako ang maghahatid sa kanya."

Kumunot ang noo ng lalake, "Paanong ikaw? E, lasing ka nga. Baka mamaya kung ano pang mangyari dito sa magandang 'to dahil sa'yo." Matapang na sagot naman ng lalakeng 'yon.

Lalong kumunot ang noo ko, kaya ko namang umuwi mag-isa. Bakit parang magtatalo na sila?

"Excus-" Naputol ang sasabihin ko nang mas lalong higpitan ni Samson ang pagkakahawak sa'king kamay at lumapit nang kaunti sa lalake.

"I said I'm not drunk. Do you want me to repeat what I said all over again? I said I'm not drunk, okay? And I won't trust you with my girl. And don't ever lay a finger on her or even touch her."

Umasim ang mukha ng lalake at biglaang napaatras ng wala sa oras.

"Ha? Anong sinabi mo? Ni isa ay wala naman akong naintindihan..." pagpapaliwanag pa nito.

Ngumisi si Samson at mahinang napatawa. "Hindi ako lasing. Ang sabi ko ako na ang maghahatid sa kanya dahil hindi naman kita pagkakatiwalaan na ihatid siya. Hindi ka niya kilala, hindi kita kilala. Hindi ako papayag na hawakan mo siya o dumikit man lang ang dulo ng mga daliri mo sa katawan niya..."

Napakamot sa ulo ang lalake bago umiling, "Ge." Tuluyan na rin itong tumalikod, sumakit siguro ang ulo.

Naalala ko ang sinabi niya noong mag-ingles siya. Dahilan para hindi siya maintindihan ng lalake. 'I won't trust you with my girl'

Parang may kung anong mga kitikiti at gamugamo ang sumayaw sa tiyan ko at parang nagbuhul-buhol din ang mga iniisip ko. Uh oh, masama 'to.

"Halika na. Ihahatid na kita..." ani Samson bago ako tuluyang hinila.

"May kotse ako..."

Umiling siya, "I won't let you go home this late kahit na may kotse ka pa. Pwede rin namang ako na lang ang mag-drive ng kotse mo. You choose."

"Naandoon si Ingrid sa kotse mo..." halos pabulong ko ng sabi sa kanya.

"E di doon tayo. Let's go, gabing-gabi na..."

Wala na akong nagawa kung hindi magpadala sa pagkakahila niya sa'kin. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan na siyang naging dahilan na maramdaman ko ulit ang naramdaman ko kanina. 'Yung para bang may mga paru-paro ako sa loob ng aking tiyan.

Why Samson Loved DelilahWhere stories live. Discover now