Pag-upo ko, kinuha ko agad ang cellphone ko na sana pala kanina ko pa ginawa. Nagtext pala sya sakin.

From: Yuri
Message: 'Can't go to school. I hve fever. Pls take care of yourself. 😙'

Kinginames!

Kung kelan naman! Hanep yan! Anu ba?! Pvtcha!

Hay! Dapat kasi ngayong araw na dapat sabihin. Hindi na dapat patagalin. Mukang kailangan ko sya'ng puntahan.

Tulala... Kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang-----huh?!

Anak ng pota! Napakanta nalang ako bigla. Dumating kasi si Sir Alvin at Keifer ng hindi ko namamalayan. Ang layo na ng narating ng diwa ko. Nasa pluto na yata.

May bigla nalang pumitik sa tenga ko. Sa sobrang sakit napasigaw nalang ako.

"Kingina! Masakit!"

Pinagtinginan agad ako. Masama din ang tingin sakin ni Sir Alvin. Tumingin ako kay Keifer na pilit tinatago ang ngiti nya.

Hayop!

Inaano ko ba sya? Namimitik ng tenga ang gago. Napayuko nalang ako. Busit tong Keifer na to! Out of nowhere bigla nalang mang-gaganun.

Gusto ko gumanti pero hindi yun ang inaalala ko. Iniisip ko yung dapat kong sabihin kay Yuri. Kung pano ko uumpisahan.

Hanggang sa mga sumunod na subject, wala pa rin ako sa sarili. Ilang beses na ko tinatanung nila Ci-N pero hindi ako makasagot.

Kahit si Keifer nagtataka na rin. Dumating ang oras ng uwian. Inayos ko na yung gamit ko at akmang tatayo pero hinawakan nung Hari yung kamay ko.

"Stay." Utos nya.

Tatanggi sana ako. Kailangan kong puntahan si Yuri pero bigla nalang naging seryoso yung itsura nya. Napilitan akong maupo ulit.

"Jay! Tara na?" Tanung ni Ci.

Si Keifer ang sumagot para sakin. "Mauna ka na. May pag-uusapan lang kami."

Kahit nagtataka sinunod nalang nya. Wala ng tao sa room. Tinignan ko yung kumag at hinintay ang sasabihin nya.

"B-bakit? Anung pag-uusapan natin?" Tanung ko.

"Kung anung problema mo. We notice that your not in yourself."

Tsk!

Ayoko sana sabihin pero siguro dapat din nya'ng malaman.

"Kasi... Iniisip ko kung panu sasabihin yung totoo kay Yuri." Sagot ko.

"What do you mean?"

"Nagi-guilty na kasi ako. Ayoko ng lokohin si Yuri."

Yumuko sya. "I understand. Kahit ako nahihiya na rin sa kanya." Huminga sya ng malalim. "...Bakit kasi iisang babae na naman yung nagustuhan namin?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Yung imahe ni Yuri nung nasaktan sya kay Ella, naglalaro na naman sa isip ko. Mauulit na naman.

"Pupuntahan ko sana sya ngayon." Sabi ko at tinignan ako ng Keifer ng makahulugan. "...Sasabihin ko na."

Bigla nalang sya'ng tumayo at naglakad palabas ng room. Agad akong sumunod sa kanya.

"Ihahatid kita." Sabi nya habang patuloy sa paglalakad.

Nakarating kami sa parking at kita'ng kita ko si Aries habang kaakbay si Ella. Para bang sinadya nilang pumwesto sa tabi ng kotse ni Keifer.

Tinignan ko sila pati na rin yung Hari pero wala'ng bakas na apektado sya sa kaharap namin. Sumakay sya sa kotse kaya naman sumunod ako.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon