Chapter 26: Masaya na eh. Pesteng souvenirs.

ابدأ من البداية
                                    

Napakamot naman ako ng ulo. Ba't ko ba nasabing magluluto ako? Baka masunog ko tong beach house. Oh, well. Nakapagluto naman ako ng matino nung kamakalawa. Makakapagluto naman siguro ako ng simpleng almusal.

I climbed down the stairs then headed to the kitchen. Binasa ko muna ng tubig yung mukha ko tapos naglabas ako ng mga itlog at bacon galing sa ref. I defrosted the frozen bacon into the water then cracked some eggs into the bowl and mixed it. Bacon and scrambled egg lang naman mapapakain ko kay Gianna eh.

Nilagyan ko ng asin yung itlog tapos tinuloy ko yung pagscramble ko. Tapos kinuha ko yung frying pan and nilagyan ng konting mantika pagkasindi ko ng stove. Ang alam ko, bacon ata dapat ko unahin eh. So, I took the defrosted bacon then laid it to the pan, causing me to jump. Tumatalsik yung mantika ta's biglang lumakas yung usok eh! Wala naman talaga kasi akong talent sa pagluluto. Tinulungan lang ako ni Carlo sa paggawa nung Paella kaya medyo matino yun eh.

Dali-dali kong kinuha yung bacon (nasunog ng konti. -___-) habang iniiawasan yung mga tumatalsik na mantika. Masakit mapaso huh! Di pa nga ako nakaka-get over sa napagdaanan ko dahil si linsyak na Paella na yun. Buti nagustuhan ni Gi.

Nilagay ko kasunod nung unang bacon yung isa pang bacon na dinefrost ko. This time, MAS MARAMI YUNG TUMALSIK NA MANTIKA. NATALSIKAN PA NGA AKO EH, TAPOS MAS MARAMI DIN YUNG USOK AND MAS MAINGAY KAYSA SA KANINA! Nako. Lagot ata tiyan namin ni Gi.

I beated the egg as I wait for the bacon to be cooked. And, as usual, nasunog nanaman. Linsyak na pagkain. Dapat matino nyan yung itlog.

Pagkaalis ko ng bacon sa pan, yung scrambled egg naman yung nilagay ko. Feeling ko naman, matino talaga kakalabasan ng scrambled egg na to. Wala naman sigurong nasusunog na scrambled egg no? Pag nasunog pa to, lalasunin ko yung sarili ko.

Habang nagluluto, naalala ko yung nangyari kagabi. Walangya mga sira ulong mga yun. Magtatanong nga ako mamaya sa manager kung napano na yung mga lokong yun at kung kailan pwede kami magreklamo.

"Huy. Luto na yung itlog."

"AY TEKA-- ARAY!" napasigaw ako sa sakit nung unconscious kong hinawakan yung niluluto nkong itlog. Nagulat naman ako sa kasama kong biglang sumulpot sa tabi ko eh!

"Ba't mo hinawakan!? Baliw ka ba?!" sigaw din ni Gianna tapos pinatay nya yung stove at hinila ako papunta sa mesa.

Kumuha sya ng yelo sa ref tapos pinahawak sa akin.

"Panghawak mo yung napaso mo. Para di lumala yung paso." sabi nya pa sa akin. "Ba't ka naman kasi nagluto eh fake lang pala yung cooking skills mo?"

Shut Up and Marry Me! (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن