Prologue

166K 1.1K 207
                                    

"Ugly stick!"

"Handsome idiot!"

"Andito ka nanaman!"

"Ba't ba andito ka!?"

STOP. Kay gandang intro. Di naman kami brutal o ipinanganak at ipinalaki ng bastos kaya lang, hindi talaga kami compatible nitong lalaking to. Ewan ko ba naman kay lolo, pilit kaming pinagsasama!

"Oi pwede ba, handsome idiot. Dun ka sa kabilang couch! Bwisit!" halos sigawan ko si Nathan. Sya lang naman ang dakilang lalaking habulin ng mga babae. And, excuse me lang ha, hindi dahil 'handsome idiot' ang tawag ko sa kanya eh pinupuri ko na sya. Ang ibig sabihin ko dun sa 'handsome idiot' eh kahit gwapo sya, masama sya and he's a stupid, mean and selfish idiot! Akala nya nga nung una, pinupuri ko sya. Anung feeling nya nun?! Kaya, hala. Inexplain ko sa kanya ng bonggang-bongga ba't ganun tawag ko sa kanya. After ko mag- explain, binatukan ako. Tama ba yun?? Ang mga sinabi ko ay purong katotohanan lamang! Nasaan na ang hustisya dun?!

"Dun talaga ako pupwesto! Nakakatakot kang katabi sa sobrang payat mo. Parang mapuputol ka anytime. Ang pangit mo!" halos sigaw din nya. Aba’t giyera ata ang hanap ng asungot na to?!

"Tumigil ka nga! Hindi ako payat at mas lalong hindi ako pangit!" sagot ko naman sa kanya tapos binato ko yung magazines na nakita ko sa side table.

"Anong hindi? Nangangarap ka?!" umiwas sya then he smirked mockingly. “Try mo kayang magsalamin?”

God! Dear Lord, what have I done to deserve this punishment? Bakit ko po ba kailangan makasama tong lalaking to? Nakakabadtrip lang po! "Aba't--"

"Pwede ba Nathan, Gianna, wag kayong mag-away agad pagkakita nyo," lolo interrupted nung sasagutin ko na sana si Nathan. Andito kasi kami sa office ni lolo. Kaninang pumasok kami ni Nathan dito, wala sya so nag-away kami agad. "You are both 17 years old so will you just both act a little more mature?" lolo said, emphasizing the word ‘act’.

"Eh lolo naman kasi." I started to complain at him while giving Nathan an annoyed look.

"Ba't ba kasi pinatawag nyo tong si ugly stick." Nathan mumbled. God please give me the patience to deal with this person. I don’t want to hit anyone.

"Can you stop?” I snapped at him when he smirked at me. Nakakarami na tong lalaking to ah. I tried to calm myself and glanced at lolo. Oops. "Sorry, 'lo." I mumbled nung nagbuntong-hininga sya.

"Both of you shut up and let me talk." sabi ni lolo with a voice full of authority. Nathan and I stopped mocking each other. Mabait lolo namin pero pag sumosobra na kami, strict na sya. "At the age of 18, magpapakasal kayo."

Shut Up and Marry Me! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon