Mamaya, may dumaan yung teacher, si Sir Aguirre, sabay sabi, "O, F4 at Shan Chai, saan kayo pupunta?"

"Sir!" Sabay kaway naman nitong si Theo. "Mag-aaral po."

"Mag-aaral? Nako Dao Ming Si. Sana nga mag-aaral kayo."

Bigla akong napangiti. Si Dao Ming Si daw si Theo, at ako si Shan Chai. Haha. Nako, ang babaw ko na nga ata talaga. Pati mga simpleng ganon pinapatulan ko.

"Sir, yes, sir! Lagot po ko kay Shan Chai pag hindi eh."

"Bakit, kayo na ba ni Ms. Kaluag?"

"Sir!" Nako kung kaibigan ko lang tong si Sir Aguirre malamang nahampas ko na rin siya.

"Hindi pa sir, hindi pa naman ako nanliligaw."

Nanlaki yung mga mata ko. Tukso naman abot nitong si Theo doon sa tatlong itlog. Si Sir, tumingin na lang sa 'kin.

"Sir nako," at ako naman si Ms. Denial. "Wag kayong maniwala dyan. Friends lang po kami. Alaskador kasi tong si Theo eh!"

Sabay sabay na nag "aray" yung tatlo sa harap ni Theo.

"O, Dao Ming Si, basted ka ni Shan Chai."

"Oo nga sir, sakit nga po eh."

Sinabi niya yon na nakangiti. Alam kong nagjojoke lang tong kumag na 'to.

"Nako pag-ibig, pag-ibig. Ang babata niyo pa. Mag-aral muna kayo."

"Sir, yes, sir!"

Pag-alis ni sir, di pa rin tumitigil yung panunukso nung tatlo.

"Boss, may alam akong gayuma. Bigay ko sa'yo recipe mamaya."

"Gago. Lakas ng mga 'to o!"

Nagtawanan lang kaming lima. How I wish na totoo yung sinabi niyang manliligaw siya pero alam ko namang echos lang niya yon.

Pag pila sa may pila ng tricycle, itong tatlong itlong nag-unahan sa may loob. Nagulat kaming dalawa ni Theo, so wala kaming choice kundi sumakay pareho sa likod ni manong.

Medyo awkward pero kakayanin.

"Oy," just to break the silence, ako na nag-umpisa magsalita. "Ano ba?"

"Ha? Anong ano ba?"

"Wag mo nga saktan feelings ko."

ANG LUPIT KO AT ANG KAPAL NG MUKHA KO please patayuan niyo ko ng statwa after this.

Bigla siyang natawa.

"Anong nakakatawa?"

"Wala. Nakakatawa ka kasi."

"Labo mo ano. Ako ba talaga unang aamin?"

Ay shete yan nadulas pa ako.

"Anong aaminin mo?"

Deep inside, hinihiling ko na magets niya, pero wala eh. Bat kasi kapag may gusto kang tao, slow motion lahat ng bagay? Pati tuloy daloy ng brain cells niya slow motion din.

"Anong aamin? May sinabi ba akong aamin?"

"Meron."

"Sabi ko unang a-amen. As in amen. Magdadasal."

"Ha? Bat ka magdadasal?"

Na sana joke lang na nagmamanhid-manhidan ka at nagbibingi-bingihan pa at nagbobobo-bobohan ka na di mo ako gets.

"Mag a-amen na sana wag kang paassume. Di ba napagusapan na natin 'to?"

"Eh ikaw naman 'yan eh. Alam ko namang gets mo."

Lost and FoundWhere stories live. Discover now